Sunday , December 22 2024

1 patay, 2 sugatan sa anti-drug ops ng NBI sa Pasay

PATAY ang isang lalaki habang sugatan ang dalawa pa sa ikinasang anti-illegal drug operation ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Pasay City kamakalawa ng gabi.

Hindi na naisalba ng mga manggagamot ng San Juan De Dios Hospital ang buhay ng suspek na si Dario Cuenca, 49, ng Block 10, Lot 9, Libra St., Brgy. Dita, Santa Rosa, Laguna sanhi ng tatlong tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan .

Habang isinugod din sa nabanggit na pagamutan ang mga sugatan na sina Bryan Marcelo, 41, ng San Pablo, Laguna, at Jeoffrey Magaspac, 48, ng Brgy. Balibago, Santa Rosa, Laguna.

Base sa ulat ni SPO3 Joel Landicho, dakong 7 p.m. nang isagawa ang operasyon ng mga tauhan ng NBI sa pamumuno ni Atty. Jerome Bomidiano laban sa mga suspek sa panulukan ng Marina Way sa Seaside Boulevard, SM Mall of Asia (MOA) Complex.

Lulan ang tatlong suspek ng isang silver Hyundai Accent Sedan (AAV-8780) nang matunugan ang operasyon ng NBI agents na sakay ng itim na Toyota Fortuner (WSI-890).

Unang nagpaputok ang grupo ng suspek na ginantihan ng mga tauhan ng NBI dahilan upang mapuruhan si Cuenca at nasugatan ang dalawa niyang kasama.

Nakuha ng mga awtoridad sa pinangyarihan ang isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, isang kalibre .45 baril, mga bala, IDs, iba’t ibang dokumento sa loob ng sasakyan ng mga suspek.           

JAJA GARCIA/LEONARD BASILIO

15 katao arestado sa drug buy-bust sa Maynila (P.2-M droga nakompiska)

ARESTADO ang 15 katao, kabilang ang apat na babae, at mahigit 50 gramo ng shabu at marijuana ang nakompiska sa buy-bust operation ng mga awtoridad sa dalawang drug den sa Sampaloc, Maynila kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang mga naaresto na sina Rolando Reblido, Elmer Lorian, Nora Palavino, Nathaniel Aguilar, Richard Loyola, Christian Nirza, Jojit Austria, John Carlos, Marieta Guddang, Marylines Diongson, Rosalyn Cruz, Ariel Ramos, Melchor Santiago, Florento Santiago, at Delfin Santiago.

Tinatayang mahigit P200,000 ang halaga ng mga drogang nakuha mula sa mga suspek.

Ayon sa kay Chief Insp. Roberto Razon ng MPD DAID, dakong 4 a.m. nang isagawa ang operasyon sa Las Vegas St., kanto ng Ilang-ilang  St., Sampaloc, Maynila

Matagal nang minamanmanan ng mga awtoridad ang operasyon ng ilegal na droga sa Las Vegas St. sa nasabing lugar kaya nang makakuha ng tiyempo ay kanilang ikinasa ang operasyon.

LEONARD BASILIO

Parak, 2 pa tiklo sa entrapment ng PDEA

SHOOT sa rehas na bakal ang isang aktibong miyembro ng Philippine National Police (PNP) gayondin ang dalawa niyang kasama, makaraang ikasa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang buy-bust operation sa Cagayan De Oro City.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo Cacdac, Jr. ang mga suspek na sina PO2 Nickarter Noay, 32, nakatalaga sa Kinoguitan Municipal Police Station; Rendon Sarita, 21; at Charlie Racaza, 35, kapwa residente ng Libona, Bukidnon.

Ayon sa ulat, makaraan ang isinagawang surveillance sa tatlong suspek, inilatag ng PDEA ang entrapment operation sa Brgy. Kauswagan sa nasabing siyudad na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek.

Nakompiska sa mga suspek ang 30 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P45,000, drug paraphernalia, at 9mm pistol.

Paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) at Section 12 (Possession of Drug Paraphernalia) ng Article II ng Republic Act 9165 ang kahaharaping kaso ng mga suspek.

JETHRO SINOCRUZ

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *