Friday , November 15 2024

Pagbabalik ni Fred Lim suportado ng mga pastor

Lim and pastorsNAGPAHAYAG ng suporta ang samahan ng mga pastor sa pagbabalik ni Alfredo S. Lim bilang alkalde ng Maynila sa nalalapit na 2016 elections, at tiniyak na ikakampanya ang mga lider na walang bahid ng korupsiyon.

Ang mga miyembro ng Christian Leaders for Good Government sa pangunguna ni Pastor Bani Miguel ay nakipagpulong kay Lim sa salo-salo sa almusal, para mangako ng suporta at lumahok sa panawagan sa dating alkalde na ibalik ang libreng pangunahing mga serbisyo sa lungsod.

Sinabi ng grupo, ipinagmalaki ang inisyatibo sa paglaban sa illegal na sugal nang lantarang nilabanan ang operasyon ng Jai-alai ilang taon na ang nakararaan, isinusulong nila ang “Love of God” at paglaban sa lahat ng uri ng korupsiyon sa public office.

Isinailalim nila sa ‘pray over’ si Lim, na kanilang pinuri sa pamumuhay sa public service nang walang bahid ng korupsiyon at umaasa silang gagayahin siya ng mga nagnanais na manungkulan.

Samantala, nangako si Lim na hindi bibiguin ang hiling ng mga pastor na ibalik ang kanyang flagship projects kabilang ang free hospitalization at totally free-education sa lungsod, hanggang sa kolehiyo.

Magugunitang sa kanyang termino bilang Manila mayor, ipinatayo ni Lim ang limang ospital sa lungsod na nagkakaloob ng libreng medical services sa mahihirap na residente, katulad ng Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center, Ospital ng Tondo, Jose Abad Santos General Hospital, Ospital ng Sampaloc at Sta. Ana Hospital.

Ipinaayos din niya ang nag-iisang ospital noon, ang Ospital ng Maynila.

About Hataw News Team

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Dead Rape

Paglipas ng tatlong lingo
DALAGANG NAWALA SA KASAGSAGAN NG BAGYONG KRISTINE NATAGPUANG BANGKAY

NATAGPUAN ang katawan ng isang 18-anyos estudyante na napabalitang nawala sa kasagsagan ng pananalasa ng …

Sa Gintong Kabataan Awards NATATANGING KABATAANG BULAKENYO PARARANGALAN

Sa Gintong Kabataan Awards
NATATANGING KABATAANG BULAKENYO PARARANGALAN

NAKATAKDANG maganap ang pinakahihintay na Araw ng Parangal ng taunang Gintong Kabataan Awards (GKA) ng …

Motorcycle Hand

3 motorsiklo bigong masikwat, armadong kawatan timbog

ARESTADO ang isang lalaking pinaniniwalaang responsable sa sunod-sunod na pagnanakaw ng motorsiklo matapos muling magtangkang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *