Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Cyber sabong ilegal (NBI nagbabala sa may-ari ng sabungan)

1214 FRONTHINDI lang ang operator ng ilegal na tayaan sa sabong websites ang kakasuhan kundi maging ang may-ari ng sabungan kung saan ginaganap ang live streaming ng pasabong.

Ito ang seryosong babala ng National Bureau of Investigation (NBI) matapos salakayin kamakalawa ng mga tauhan nito ang isang sabungan sa Tarlac City at naaktohan ang ilegal na pustahan ng mga sabungero sa pamamagitan ng internet online betting.

Naaresto ng mga operatiba ng NBI sa loob ng New Tarlac Coliseum (NTC) sa Brgy. Binaguanan, Tarlac City ang mga tauhan ng sinasabing illegal na sabong-betting websitesna www.sabongtambayan.com at www.sabongworld.net

Sa bisa ng isang search warrant na inisyu ni Judge Richard Paradeza, nahuli sa akto ang video recording ng mga sultada at pagpapalabas nito sa internet nang live upang mapagsugalan ng online players.

Bilang ebidensiya, agarang idinokumento ng mga operatiba ang pangyayari at kinompiska ng NBI ang equipment na gamit sa broadcast online ng nasabing websites.

Kasama sa mga kinompiska ang laptops, desktop computers, internet modems, LTE broadbands, audio mixers, video switchers at mga camera na gamit sa  broadcast online.

Ang mga nahuling operators at crew nito ay pansamantalang pinakawalan pero sila ay kakasuhan sa regular filing ng NBI ng kasong illegal gambling at cyber crime.

Ang mga nagmamay-ari ng mga website na nahuli ay mahaharap din sa patong-patong na kaso.

Panawagan ng NBI sa operators at crew ng ibang illegal online sabong website na nag-o-operate sa ibang lugar sa Filipinas, siguraduhin na may matibay na permits at license to operate ang may-ari ng websites.

Binalaan din ang mga may-ari at operators ng mga sabungan na siguruhin ang mga nais mag-cover sa kanilang mga palaban ay may legal na lisensiya o permiso.

“Tulad nang lagi naming paalala, hindi maaaring maging dahilan ng isang mare-raid na sabungan na hindi niya alam na illegal ang website na nagko-cover sa pasabong nila dahil dapat may pananagutan din sila sa pagpayag na mag-cover at ipalabas sa internet ang kanilang pasabong upang mapagsugalan,” pahayag ng NBI.

Matatandaan na una nang nasakote ang mga online-sabong sites na www.sabongcavite.com at www.sabongch.com.

Kabilang din sa mga sinasabi na maaaring makasuhan dahil sa paglabag sa Republic Act 10175 o Anti-Cybercrime Law ay mga sabong-online betting websites na www.sabongbisaya.com www.sabongglobal.com ;www.sabongprince.com ; www.sabongtayo.com; www.sabongiloilo.com ; www.sabongpoint.com ; www.sabongkabayan.com; www.sabongbig5.com ; www.sabongnow.com ;www.sabongN.com ; www.sabongquezon.com ; www.marangalsabungero.com/; www.sultadahan.com/ ; www.sultadahan2.com/ ;  www.kakaruksabong.com ; www.sabongw.com ; www.sabongarena.net ;   www.esultada.com.ph/ ; www.sabongbatangas.com/ ; www.sabong5.com atwww.sabongqueenlive.com

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …