Sunday , December 22 2024

Security escorts ng politikong tatakbo sa 2016 polls ire-recall (Ayon sa PNP)

PINAALALAHANAN ng pamunuan PNP Security Protection Group (PSPG) ang mga opisyal ng pamahalaan na mayroon na lamang hanggang Enero 10, 2016 para ibalik ang kanilang security escorts sa PNP.

Ayon kay PSPG spokesperson Supt. Rogelio Simon, sinimulan na nilang bigyan ng ‘notification’ ang government officials hinggil sa gagawing recall ng kanilang mga tauhan.

Sinabi ni Simon, hindi ‘exempted’ ang presidentiables gaya nina Vice President Jejomar Binay, dating DILG Sec. Mar Roxas at Senator Grace Poe.

Nasa 200 tauhan ng PSPG ang kasalukuyang naka-deploy sa mga politiko.

Sa sandaling ma-recall na ang nasabing police escorts ay matetengga muna sila sandali sa kanilang headquarters hanggang muling mai-deploy.

Nilinaw ni Simon, ang pag-request muli ng police security escort ay idaraan na ng mga tatakbong kandidato sa Comelec na mag-aapruba sa kanilang request.

Samantala, hanggang apat lamang ang maaaring mai-deploy na bodyguards sa mga politikong kakandidato sa susunod na taon.

Pahayag ni Simon, maximum na dalawa ang maaari nilang i-deploy na PSPG personnel sa isang kandidato at dagdag na dalawa na maaaring hugutin sa private security agencies.

Aniya applicable sa lahat ng kandidato na paglampas ng Enero 10, ay nasa hurisdiksiyon na ng Comelec ang mahigpit na pagpapatupad ng nasabing security setup.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *