Sunday , December 22 2024

Pamamaslang ni Duterte imbestigahan — HR lawyer

IKINABAHALA ng isang human rights lawyer ang mga pahayag ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte kaugnay ng paraan niya sa pagsupil sa kriminalidad sa bansa.

Ayon kay Atty. Rod Domingo, nakalulungkot ang mga pahayag ni Duterte, lalo na’t isa siyang kandidato sa pagka-pangulo.

“Sana hindi totoo at hindi tototohanin ng isang kandidato ang ganitong pahayag.”

Ani Atty. Domingo, maaaring humantong sa anarkiya ang ganitong estilo ng pamumuno.

“Ating dapat ikatakot ang isang pangyayaring ganito sapagkat wala na tayong batas, wala na tayong konstitusyon.”

“Aalisin na ang husgado, aalisin ang ating mga pulis, siya na rin ang magiging hari, hindi tama ito,” dagdag niya.

Ayon pa sa abogado, ang estilo ni Duterte ay may wangis sa mga nangyari noong Martial Law. “Noong araw, may mga nawawala, kinikidnap, tino-torture.”

Bagama’t sa isang banda aniya ay naghahanap ang ating bansa ng isang lider na may kamay na bakal, hindi pa rin dapat isantabi ang karapatang pantao.

Giit ng abogado, dapat magkaroon ng imbestigasyon kasunod nang pag-amin ni Duterte sa pagpatay ng mga kriminal.

At kung sakaling mapatunayang nagkasala ang alkalde, dapat aniya ay mapatawan siya ng karampatang parusa.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *