Sunday , December 22 2024

Kano, 12 pa missing sa Tagum

DAVAO CITY – Patuloy na iniimbestigahan ng Tagum PNP ang kanilang natanggap na reklamo tungkol sa isang American national at 21 pang mga indibidwal na nawawala at hindi na makontak.

Sinasabing humingi ng tulong sa Tagum City Police Station ang isang Rachel Kim Sususco, residente ng Magugpo East, Tagum City tungkol sa nasabing insidente.

Ayon kay Sususco, hindi na nila makontak ang kanilang bisitang Amerikano na si Karl Snodgrass Jumalon, 60, sa nakalipas na tatlong araw.

Kinuha aniya nitong Lunes ang nasabing dayuhan ng dalawang van kasama ang iba pang indibidwal para pumunta sa Zamboanga at Maragusan at doon ay pupuntahan naman nila ang kanilang kamag-anak.

Dakong 9 a.m. aniya nang tumawag ang isa sa mga kasamahan ng biktima at ipinaalam kay Sususco na hindi na niya alam kung saan na sila dinala at nakatali aniya ang mga biktima.

Hindi alam si Sususco kung saan sila hihingi ng tulong para malaman kung saan talaga dinala ang dayuhan at mga kasamahan o kung ano na ang kalagayan nila..

Palaisipan sa mga awtoridad ang pangyayari kaya patuloy pa ang pagberipika. 

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *