Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ex-Bucor execs swak sa iregular na P3.7-M bidding

KINASUHAN sa Office of the Ombudsman ang ilang opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Government Procurement Reform Act.

Nahaharap sina dating BuCor Acting Director Gaudencio Pangilinan at Chief Administrative Officer Ligaya Dador ng limang counts sa paglabag sa Section 3 ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Habang ang mga administrative officer na sina Pangilinan at Larry Hari ay nahaharap sa isang count ng paglabag sa Government Procurement Reform Act.

Ang Chief of Staff na si Venancio Santidad, kasama ang representatives ng suppliers ng Grand Potential Press Inc., at Dotgain Solutions na sina Alman Madrid, Lawrence Balolong, Julita Balolong, Alex Del Rosario, Alicia Madrid, Nelson Lee Cheng, Gina Rabancos at Paulino Fernandez, Jr., ay nahaharap din sa kaso ng paglabag ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Nabatid na may pananagutan sina Pangilinan, Dador at Hari sa grave misconduct na agad sinibak sa serbisyo at hindi na maaaring humawak ng kahit ano mang posisyon sa gobyerno.

Base sa imbestigasyon ng Ombudsman, nalaman nila na noong 2012 at hinati ng mga respondent ang kontrata sa apat para sa konstruksyon ng gusali sa National Bilibid Prison bilang pag-iwas sa kinakailangang public bidding.

Ang P1.4 milyong proyekto ng impraestruktura ay ibinigay sa mga small value procurement at sa mga pinili nilang suppliers na Grand Potential and Dotgain.

Ibinunyag din ng Ombudsman ang paggasta ni Pangilinan at ng iba pa sa P2.3 milyon sa kasagsagan ng BuCor’s road map launch, na para sa lamang sa pagkain, giant tarpaulins at tents na nauwi sa agarang pagbili imbes sumailalim sa bidding.

Ayon kay Ombudsman Conchita Carpio-Morales, walang edidensiya na magpapakita na sinubukan ng BuCor ang pinakamainam na presyo na magbibigay benepisyo para sa gobyerno.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …