Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mag-asawang sexagenarian patay sa sunog

PATAY ang mag-asawang kapwa 68-anyos nang hindi makalabas sa kanilang nasusunog na bahay sa Pasig City kahapon.

Magkayakap na na-tagpuan ang bangkay nina Boy at Lourdes Santos sa kanilang tahanan sa Brgy. Sumilang.

Batay sa paunang imbestigasyon, pasado 1:00 a.m. nang magsi-mula ang sunog sa kuwarto ng pamangkin ng mga biktima na si Jonjon Paroa.

“Naalimpungatan po ako noon, mataas na ang  apoy. Ginising ko po ang kapatid ko tapos pinalabas ko na iyong nanay ko at saka po iyong mga bata,” ani Paroa.

“Nataranta na po ako, mataas na po kasi ang apoy e. May naiwan pong kandila roon e.”

Nakalabas ang ibang nakatira sa bahay, ngunit hindi ang mag-asawang Santos.

Paliwanag ni Fire Officer Adrian Pura, may kapansanan si Lourdes at tinulungan ng kabiyak ngunit hindi na rin sila nakalabas.

Sinisi ng ilang kaanak si Paroa sa sinapit ng mga biktima dahil sa sinasa-bing paggamit ng ipinagbabawal na gamot.

Aminado si Paroa na nakainom bago nagsindi ng kandila kamakalawa ng gabi. “Drugs po dati pero matagal na po akong hindi nakakagamit. Hindi ko po alam iyan, ‘di ko kagustuhan iyan. Ako po ang nag-aalaga, ako po ang lagi nilang kasama.”

Bukod sa bahay ng mga Santos, nadamay rin sa sunog ang dalawang kapitbahay.

Inaalam pa ang halaga ng ari-ariang naabo sa sunog na naapula dakong 3 a.m. kahapon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …