Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

ACTO naglunsad ng transport holiday (Sa phase-out ng old jeepneys)

NAGSAGAWA ng transport holiday ang ilang miyembro ng Alliance of Concerned Transport Organizations (ACTO), nitong Lunes.

Pasado 6 a.m. nang okupahin ng 50 raliyista ang tatlong linya sa FTI rotonda sa Taguig.

Kanilang kinokondena ang kautusan ng LTFRB na i-phase out ang mga jeep na may 15 taon na, pataas. Anila, anti-poor ang ginagawa sa kanila.

Bumalik din sa pamamasada ang mga raliyista makaraang makausap ni ACTO national president Efren de Luna. 

Phase out ng old jeepneys sa Enero 2016 ‘di pa pinal

NILINAW ng Department of Transportation and Communication (DoTC) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na wala pang pinal na desisyon ukol sa pag-phase out ng mga jeep na 15 taon na o higit pa.

Ayon kay DoTC Secretary Joseph Emilio Abaya, ang pag-phase out ng mga lumang jeep ay bahagi ng jeepney modernization program.

Gayon man, kanila aniyang pinag-iingatan ang pagpapatupad ng ano mang polisiya dahil kailangan ng alalay ng sektor na ito.

Hangga’t maaari aniya ay kanila munang ipinagpapaliban ang pagpirma sa kautusan dahil kanilang tinitiyak na lahat nang may taya ay payag sa mga hakbang na inilalatag.

Pagbabahagi ni Abaya, bo-luntaryo munang pahihintuin sa pagbiyahe ang mga may jeep na may 15 taon na, sa unang taon nang pagpapatupad ng phasing out.

Pagdating ng ikalawang taon nang pagpapatupad, dito pa lamang maglalabas ng babala laban sa mga lumang unit na patuloy pa ring bumibiyahe.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …