Thursday , June 4 2026

Pangunguna ni Duterte sa SWS Survey wa epek sa palasyo

WA epek sa Palasyo ang pamamayagpag ni Davao City Mayor at PDP-Laban standard bearer Rodrigo Duterte sa resulta ng presidential survey na inilabas ng Social Weather Station (SWS).

Sinabi kahapon ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, walang bigat sa Palasyo ang sunod-sunod na surveys kahit manguna pa ang mga kalaban ng administrasyon dahil may anim na buwan pa ang mga kandidato para ipakita sa publiko ang kanilang plataporma.

“The candidates will have 6 months to present their platform to the people. In the meantime, survey numbers will go up or down but the only survey that mat–ters is the one in May,” aniya.

Ang totoong survey aniya na kanilang babanta-yan ay sa mismong araw ng halalan sa May 2016 na aktuwal na pipili ang mga botante ng kanilang ihahalal na susunod na maging lider.

“I will not be surprised if Duterte camp would hype the numbers but again, this is a marathon, this is not a sprint. So, we will wait for the survey in May or the elections in May to happen,” dagdag ni Lacierda.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …