Friday , November 15 2024

Pinay Miss Earth winner

BUMUHOS ang pagbati sa Ilongga beauty queen na si Angelia Ong makaraang magtagumpay sa 2015 Miss Earth pageant na ginanap sa Austria (Linggo ng madaling araw, Manila time).

Naibigay ng 24-anyos na si Ong ang back-to-back win sa bansa, kasunod ni Jamie Herrell ng Cebu noong nakaraang taon.

Sa iba’t ibang social media, buhos ang mga pagbati mula sa mga ordinaryong netizens hanggang sa ilang local celebrities.

Tinalo ng Miss Philippines ang 85 iba pang kandidata mula sa iba’t ibang bansa.

Sa question and answer portion, inatasan si Angelia na gumawa ng bagong slogan para sa susunod na 15 taon.

Sagot ni Ong, “I want to let everybody know that all things are possible and all things are feasible if we work together. We will, because we can.”

Bukod sa nagwagi mula sa Filipinas, ang runner-ups sa Miss Earth 2015 ay sina Miss Earth Fire: Thiessa Sickert ng Brazil, Miss Earth Water: Brittany Payne ng USA, at Miss Earth Air: Dayanna Grageda ng Australia.

Si Ong ay marketing management student sa La Salle-Saint Benilde sa Maynila.

Pangatlong Miss Earth crown na ito ng Filipinas, una ay kay Karla Henry noong 2008, at ikalawa ay sa pamamagitan ni Herrell noong nakaraang taon.

Bukod sa Miss Earth, aabangan din ang magiging kapalaran ng Filipinas sa Miss Intercontinental na ang venue ay sa Germany, Miss World sa China, at Miss Universe sa Las Vegas, na lahat ay gaganapin ngayong buwan.

About Hataw News Team

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *