Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Comelec gagahulin sa SC TRO — Jimenez

INIHAYAG ang Commission on Elections (Comelec) na magagahol na ang ahensiya kapag susundin ang temporary retraining order (TRO) ng Supreme Court (SC) sa “No Bio, No Boto” policy sa 2016 elections.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, maaapektohan ang paghahanda ng Comelec sa halalan kapag ibabasura ang kanilang polisiya sa pagboto.

Ito ay dahil kaila-ngan mag-adjust ang Comelec ng mga voting precinct sa mga botanteng walang biometrics na aabot sa 2.5 milyon.

“Obviously the TRO will materially affect preparations for the elections as it may result in the Comelec having to adjust the project of precinct by about 2.5 million voters. A project of precinct is you know is our basic guide for how many voters there are going to be per precinct,” ani Jimenez.

Dahil dito, apektado rin ang paggamit ng vote counting machines (VCM) dahil madaragdagan na ang gagamit sa mga makina.

Aniya, sa target nilang 800 balotang daraan sa isang VCM ay posibleng aabot na ito sa mahigit 1,000 na magpapabagal sa operasyon ng mga presinto.

Kapag magdaragdag ang Comelec ng VCM ay baka hindi na mai-deliver bago ang halalan at hindi rin sigurado kung may available pang mga makina dahil dalawang beses na silang nag-acquire.

“Nag-repeat order na tayo and you can only have a repeat order only once. I don’t know if that’s available. Although that possibility is still being studied,” dagdag ni Jimenez.

Sa huling report ng Comelec, nasa 54 milyon na ang registered voters.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …