Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Vice Ganda, nangunguna sa Online Influencer of the Year ng RAWR Awards

120215 vice ganda rawr
NOON  pa  ay ipinakikita na ni Vice Ganda sa kanyang mga programang  It’sShowtime at Gandang Gabi Vice na isa siya sa mga tinitingala ng publiko pagdating sa pananamit, hairstyle, salitang  pinauuso, etc. etc..

Kaya hindi na ako nagtaka kung bakit siya ngayon ang nangunguna (21.8%) sa voting sa kategoryang Online Influencer of the Year sa 1st RAW Awards ng LionhearTV na ang awards night ay magaganap sa December 10 sa Meralco Theater.

Sumunod sa kanya si Joey de Leon (18.7%) at si Julie Anne San Jose (14.6%).

Hanggang December 4 pa ang voting  kaya puwede pa kayong humabol at iboto ang inyong mga idolo.

Sa kategoryang Male Performer of the Year, nangunguna si Daniel Padilla sa score na 17.3% at sinundan siya ni Darren Espanto sa score na 17.1%. Ang liit lang ng difference at alam kong marami nang fans si Darren.

In-extend ang botohan hanggang December 4 kaya may chance pa talaga nahumabol at maungusan ni Darren si Daniel sa naturang kategorya.

Samantala sa kategoryang Male Celebrity of the Year, nangunguna na naman si Daniel sa score na 17.4% , sumunod sa kanya si James Reid (16.4%), followed by Alden Richards(16%) . Naku, mukhang tutulog-tulog yata sa pansitan ngayon ang milyon-milyong AlDub fans at hinayaan lang nilang nasa ikatlong puwesto ang kanilang idolo, but the ball is still rolling at marami pang puwedeng mangyari pagdating ng December 4.

Seven years nang naghahatid ng mga celebrity news on line ang LionhearTV pero since milyon-milyun na ang kanilangfollowers, napagdesisyonan ni Richard Paglicawan, owner and founder ng LionhearTV na magbigay ng award.

Hindi ito katulad ng ibang award-giving bodies na sila-sila ang nag-decide kung sino ang magiging winners, sa RAWR Awards, it’s a popularity award kaya kung mahilig sa social media ang fans ng isang artista, tiyak na siya ang mananalo.

Paulit-ulit na sinabi ni Serge Gabriel, Marketing Manager ng LionhearTV na para sa fans talaga ang 1st RAWR Awards dahil may mga kakaibang kategorya sila gaya ng Character of the Year, Fan Club of the Year, Fashionable Celebrity of the Year, Online Influencer of the Year, Presenter/Host of the Year,  Quote of the Year, Viral Video of the Year. O ‘di ba?

Mayroon din silang category for Favorite AM Station, Favorite FM Station, at ang Favorite TV Station.

Sa mga gusto pang humabol, pumunta lang kayo sa  LionhearTV RAWR Awards, mamili ng kategorya na feel niyong bumoto.

“We’ve hit so many milestones this year alone. We hit 10 million hits per month now and we recently celebrated having 1 million Facebook followers. We believe that none of this would have ever been possible without the fans, and it’s to all of them we dedicate the RAWR Awards, our work and our stories to,” dagdag ni Paglicawan.

 

MAKATAS – Timmy Basil

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Timmy Basil

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …