Sunday , December 22 2024

Pemberton 6 taon kulong (Guilty sa homicide)

HINATULAN bilang guilty ng Olongapo Regional Trial Court Branch 74 si US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton kaugnay ng kasong homicide o pagpatay sa transgender na si Jeffrey Laude alyas Jennifer.

Matatandaan, Nobyembre 24 sana ang promulgasyon ngunit dahil sa ilang proseso, itinakda ito nitong Disyembre 1, 2015.

Ito ay dahil hindi maaaring lumagpas ng isang taon sa korte ang kaso, base na rin sa kasunduan ng Estados Unidos at Filipinas.

Sa verdict ni Judge Roline Ginez Jabalde na binasa ni Atty.Gerry Gruspe, makukulong ng 6-12 taon si Pemberton sa jail facility ng Filipinas.

Pinagbabayad din ng P50,000 si Pemberton para sa civil indemnities sa mga naiwan ni Laude.

Ikinatuwa ni Olongapo City Mayor Rolen Paulino ang pagtatapos ng kaso dahil nakaapekto na nang malaki sa sektor ng turismo ng kanilang lungsod ang nasabing usapin.

Aniya, inaasahan niyang manunumbalik na ang normal na takbo ng buhay sa kanilang syudad dahil sa closure ng kaso.

Naging emosyonal ang pamilya Laude sa naging pagbasa ng hatol.

Bago ito, inisa-isa ng clerk of court ang mga nakalap na data kaya tumagal ito nang halos dalawang oras.

Ina ni Laude ‘di kuntento sa hatol

HINDI kontento ang ina ni Filipino transgender Jeffrey “Jennifer” Laude sa naging hatol ng korte kay US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton.

Pinatawan ng anim hanggang 12 taon pagbilanggo ng Olongapo Regional Trial Court Branch 74 si Pemberton sa kasong homicide at hindi murder.

Ayon kay Mrs. Julita Cabillan, ina ni Jennifer, hindi siya pabor sa mas maiksing pagkulong suspek na pumatay sa kanyang anak.

Sa kabila nito, tanggap pa rin ni Gng. Cabillan ang court ruling dahil hindi nasayang ang kanilang ipinaglaban.

Umasa na lamang siya na sana’y pagdusahan ni Pemberton ang hatol at hindi balang araw ay makita na lamang na nagsa-shopping sa Amerika.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *