Sunday , December 22 2024

Bilanggong kandidato ‘wag payagang bumoto (Hirit sa Supreme Court)

HINILING ng isang abogado sa Korte Suprema kahapon na huwag payagang makaboto ang mga bilanggo gaya nina dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep/ Gloria Macapagal-Arroyo, Senators Jinggoy Estrada at Bong Revilla.

Sa 15-pahinang petisyon na isinumite sa Kataaas-taasang Hukuman ni Atty. Victor Aguinaldo, hiniling din niya na huwag payagang makalahok sa May 2016 national elections  ang mga bilanggo katulad ni Mrs. Arroyo na naka-hospital arrest sa Veterans Hospital sa Quezon City at hindi sa Pampanga kung saan siya bumoboto at nagnanais ng re-election sa kabila ng isyu sa residency requirement.

Kaugnay nito, nais ng petitioner na ideklara ng Supreme Court ang Commission on Elections Resolution No. 9371 o Rules and Regulations of Detainee Registration and Voting, na labag sa Saligang Batas.

Iginiit ng petitioner na ang nasabing Comelec Resolution ay naglalaman ng ‘imperfections’ na maaaring makahadlang sa implementasyon nito.

“… it is hereby prayed that the afore-cited provisions of the Comelec Resolution No. 9371 be declared unconstitutional because of their imperfections, inadequacies and deficiencies in its applications , and thus, creating uncertainties, loopholes, gaps and ambiguities in its provisions, application and/or implementation,” ayon sa petisyon.

Mga respondent sa petition ang New Bilibid Prisons (NBP), Department of Justice (DOJ), Comelec, Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at mga enlisted voter ng NBP at/o mga bilanggo na nasa pangangalaga ng NBP at BJMP.

Kailangan aniyang maamyendahan at muling pag-aralan ang nasabing Comelec Resolution bago gamiting batayan sa petisyon.    

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *