Monday , December 23 2024

Nine-Dash Line ng China walang basehan — PH

SUMENTRO ang argumento ng Filipinas sa Permanent Court of Arbitration, sa kawalan ng basehan ng Nine-Dash Line claim ng China sa West Philippine Sea.

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, si Solicitor General Florin Hilbay ang nagharap ng daloy ng presentasyon ng Philippine delegation sa First Round of Arguments.

Ayon kay Valte, tinalakay ni Principal Counsel Paul Reichler ang historic rights claim ng China at iginiit na hindi ito nakasaad sa alin mang probisyon sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

Binanggit aniya ni Reichler na ang pag-aangkin ng China sa mga lugar na saklaw ng Nine-Dash Line ay nakasasagabal sa fishing at exploration activities ng Filipinas.

Samantala, si Professor Bernard Oxman ang tumalakay sa pagiging ilegal ng claim ng China at aniya’y nalalabag ang karapatan ng Filipinas na isang coastal state.

Habang sentro ng argumento ni Andrew Loewenstein ang kabiguan ng China na itatag ang claim nito dahil matagal na panahong hindi nagsagawa ng exclusive control ng mga nasabing karagatan o inaangking teritoryo.

Iniharap din ni Loewenstein ang walong mapang galing pa ng Ming Dynasty para patunayang hindi kasama sa teritoryo ng China ang mga islang inaangkin sa ilalim ng Nine-Dash Line.

Magpapatuloy ang pagdinig sa The Hague, Netherlands.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *