Friday , November 15 2024

‘Hello Garci’ tangkang buhayin sa Comelec

1125 FRONTKINUWESTIYON ng dalawang matataas na opisyal ng Commission on Elections (COMELEC) ang pagtatangkang muling buhayin at ipamayagpag ang “iskemang Hello Garci” na nagkait kay Fernando Poe Jr., ng tagumpay noong 2004 presidential elections kasabay ng pahayag na ito ay hindi katanggap-tanggap, walang patutunguhan at muling pagmumulan ng mas marami pang iregularidad sa halalan.

Dalawang magkakahiwalay na dokumento ang nagpapatibay sa nasabing mga pagtatangka na mariing binatikos ni Commissioner Christian Robert Lim at Regional Director Romeo Fortes ang mungkahing muling ibalik ang sistema ng pagtatalaga ng isang Commissioner-in-Charge (CIC) na “ipinamayagpag sa kasagsagan ng panunungkulan ni Chairman Benjamin Abalos.”

Sa ilalim ng nasabing sistema, bawat Commissioner ay mangangasiwa sa mga rehiyon na may kapangyarihang magbigay ng pasya sa lahat ng usaping panghalalan sa kanya-kanyang hurisdiksyon.

Kabilang dito ang kapangyarihang ilipat ang lugar ng bilangan, ang kapangyarihang italaga ang isang lalawigan, munispyo o lugar sa ilalim ng “Comelec control” at ang tungkuling aksiyonan ang mga kahilingan o aplikasyon sa paglilipat o baguhin ang pagtatalaga ng mga opisyal at kawani sa ilalim ng kanilang hurisdiksyon.

Pero sa ilalim ng sistemang ito pumutok ang “Hello Garci scandal” noong 2005 matapos mabunyag ang “audiotapes” ng umano ay pag-uusap nina dating pangulong Gloria Macapagal Arroyo at Commissioner Virgilio Garcillano.

Sa nasabing “taped recording,” isang babaeng napaulat na si Arroyo ang nagpaalala sa isang nagngangalang “Garci” tungkol sa ‘dagdag.’

Pinaniniwalaang ang namayapang si FPJ ang nanalo sa nasabing halalan kung hindi nagtagumpay ang pagmamaniobra ng mga kaalyado ng administrasyon sa Comelec na ang utak ay si Garcillano.

Ibinasura ang CIC system noong maupo sa COMELEC bilang chairman si dating Supreme Court Justice Jose Melo.

Binatikos ni Fortes ang CIC system at sinabi na ang “katwiran na papabilisin at padadaliin ng CIC system ang mga aksiyon ng COMELEC ay pagdadahilan lamang para makuha ang kontrol sa politika, lalo na tuwing panahon ng halalan.”  

Ayon kay Lim, “labis niyang tututulan” ang pagtatalaga ng mga CIC sa mga rehiyon para sa 2016 national elections kasabay ng banggit sa kawalan ng “basehan o sapat na katwiran para ito ay pag-usapan” ng COMELEC.

Bukod sa puna nitong kawalan ng pag-aaral sa pakinabang ng CIC system, pinaalalahanan din ni Lim ang mga kasamahang Commissioner kung ano ang nangyari noong 2004 at 2007 elections, lalong-lalo na sa kaso nina FPJ at Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III. 

Aniya, “ang muling pagpapairal ng CIC system ay magbubukas sa manipulasyon ng 2016 national at local elections hindi lamang sa mga rehiyon, kundi lalong-lalo sa national level.”

Dagdag ng Comelec Commissioner, ang nasabing mungkahi ay ‘redundance’ na hindi kinakailangan at walang patutunguhan dahil ang pagtatalaga ng isang CIC sa mga rehiyon ay isa umanong ‘duplikasyon’ sa trabaho ng Field Operations Group ng COMELEC. 

Maging ‘foreign observers’ ay hindi nakapagpigil na batikusin ang CIC system.

Sa isang ulat na inilabas ng International Foundation for Electoral Systems (IFES), isang grupong nakabase sa Washington D.C., mariin nitong sinabi na ang CIC system ay “mahina at walang bisa.”

Ang IFES ay nanungkulan sa mahigit 100 mga bansa at nagpapadala ng “team of observers” sa bansa mula noong 2004 upang tutukan at subaybayan ang pagsasagawa ng lokal at pambansang halalan

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *