Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bigtime drug dealer tangkang tumakas, utas

TACLOBAN CITY- Patay sa mga awtoridad ang pinaniniwalaang drug dealer sa Calbayog City, Samar, makaraang tangkaing tumakas kamakalawa.

Sa pinag-isang puwersa ng Calbayog City PNP at Samar Police Provincial Office, nadakip ang isa sa bigtime drug dealers sa Samar na si Ronaldo Magbutay, 33, sa kanyang bahay sa Purok 1, Brgy. Nihaga, Calbayog City.

Sa nasabing operasyon ay narekober mula sa bahay ng suspek ang tatlong malalaking sachets ng shabu na nagkakahalaga ng P40,000 hanggang P50,000, P100,000 cash, drug paraphernalia at isang baril.

Ngunit nagtangkang tumakas ang suspek kaya binaril ng mga pulis.

Napag-alaman, si Magbutay ang itinuturong supplier ng shabu at inilalagay ito sa loob ng fighting cock shampoo.

Nahuli rin sa operasyon ang nadalawang kasama niya na sina Rodel Ungkal, 25, at Romy Tarayo, 33-anyos.

Pinalaya si Tarayo dahil napag-alaman na isa lamang siyang karpintero na ipinatawag ni Magbutay para ayusin ang kanyang bahay.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …