Sunday , December 22 2024

Poe leading, Binay, Roxas, Santiago tumaas (Sa Pulse Asia Survey)

NANGUNGUNA pa rin sa latest Pulse Asia survey si Sen. Grace Poe para sa mga kandidatong presidente sa 2016 elections.

Sa pinakahuling presidential survey na ginawa mula Oktubre 18-29, 2015 sa 3,400 respondents, nasa top spot pa rin ng listahan si Poe dahil nakuha niya ang 39 percent.

Umangat pa ang senadora ng 13 puntos mula sa 26 percent noong Setyembre.

Nasa pangalawang puwesto si Vice President Jejomar Binay na nakakuha ng 24 percent, mula sa dating 19 percent.

Habang umakyat ng isang puntos si dating Interior Sec. Mar Roxas sa 21 percent.

Dahil dito, nanatili siya sa ikatlong puwesto kagaya nang nakaraang survey.

Malaki rin ang itinaas ni Sen. Miriam Defensor-Santiago, dahil mula sa tatlong porsyento ay naging 11 porsyento na.

Habang nanguna sa vice presidential survey si Sen. Francis Escudero na nakakuha ng 43 percent.

Umaabot sa 20 percent ang iniakyat ng puntos ni Escudero mula sa 23 percent lamang noong Setyembre.

Sinundan siya ni Sen. Ferdinand Marcos sa ikalawang puwesto na may 21 percent mula sa dating 13 percent lang.

Pangatlo si Sen. Alan Peter Cayetano na may 11 porsiyento mula sa dating siyam na puntos lamang noong nakaraang survey.

Bahagyang tumaas nang apat ang dating tatlong porsi-yento ni Camarines Sur Rep. Leni Robredo na ngayon ay may pitong porsiyento na.

Kasunod si Sen. Antonio Trillanes IV na nakakuha ng anim na porsyento mula sa dating apat na porsiyento lamang.

Ang naturang survey ay kinomisyon ng isang pribadong organisasyon.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *