Friday , November 15 2024

Militanteng grupo nag-vigil sa Mendiola

MAGDAMAG na nag-vigil sa Mendiola ang mga progresibong grupong tutol sa pagsasagawa ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) economic leaders’ meeting sa bansa.

Nagsindi ng sulo ang iba’t ibang katutubong grupo, Miyerkoles ng umaga, bilang panawagan sa pamahalaan.

Anila, mas dapat na unahin ang mga katutubong nasa mga bundok kaysa gugulin ang pondo ng bayan para sa APEC at paboran lamang ang mga negosyante.

Panawagan din nilang itigil ang militarisasyon at ang pagmimina sa kani-kanilang mga lugar.

Susubukan anila ng mga katutubong grupo na makalapit sa Roxas Boulevard, partikular na sa embahada ng Estados Unidos.

Sarado ang Mendiola dahil na naturang pagkilos.

Samantala, ilang religious groups din ang nagdaos ng rally sa Rajah Sulayman Park sa Maynila nitong Miyerkoles.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *