Ang loveteam nina Marlo Mortel at Janella Salvador na MarNella ang humahabol sa tatlong nangungunang loveteams ng ABS-CBN na KathNiel (Daniel and Kathryn), LizQuen (Liza at Enrique) and lastly, ang JaDine nina James Reid at Nadine Lustre.
Yes pagkatapos tangkilikin at magpakita ng lakas ang kanilang labtim sa Be Careful with My Heart at Oh My G ang MarNella. Sa kanilang episode naman na “FAT PATTY” na ipinalabas noong Linggo na siyang nagsilbing buenamanong episode this Newmember (November) sa Wansapanataym Special. Humamig rin ng mataas na rating mula sa datos ng Kantar Media National TV Ratings sina Janella at Marlo na nagkamit ng 31.9% ang pinagbidahang episode sa nasabing no.1 Story Book ng Batang Pinoy. Patunay lang na malawak na rin ang fan base na tumutok sa kanila sa Fat Patty. This Sunday (Nov 15) naman right after Goin’ Bulilit ay inyo namang matutunghayan ang “LALA BURARA” na pagsasamahan ng dalawang Kapamilya childstars na inyong hinangaan sa teleseryeng Flordeliza na sina Ashley Sarmiento at Rhed Bustamante.
Paligsahan sa pag-arte na naman ang dalawang bata sa kaabang-abang nilang magical story sa Wansapanataym.
VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma