Saturday , January 11 2025

INC ‘Death Squad’ haka-haka — Roque

1030 FRONT“KUNG may death squad ang INC, nasaan ang kanilang mga biktima? Nasaaan ang mga bangkay?”

Ito ang mga tanong ng abogadong si Harry Roque ngayong Huwebes kasabay ng kanyang mga pahayag na ang mga sinabi ng dating ministro ng INC na si Lowell Menorca II hinggil sa INC death squad ay kailangan suportahan ng matibay na ebidensiya kung ipipilit ang kanyang mga paratang.

“Mas makabubuti sigurong payuhan ng kanyang abogada si Menorca na magdahan-dahan sa kanyang mga ibinubulalas sa publiko dahil sa bigat na rin ng kanyang mga sinasabi,” ayon kay Roque na kilala sa kanyang mga hinahawakang mga kaso para sa mga kliyenteng kinabibilangan ng pamilya ni Jennifer Laude at ng mga biktima ng Ampatuan Massacre.

Si Atty. Trixie Cruz-Angeles naman ang abogado ni Menorca, na pangunahing abogada ng National Commission for Culture and the Arts.

Ayon kay Roque, bagamat may mga detalyeng ibinibigay si Menorca hinggil sa mga death squad ng INC, nakakapagtakang wala siyang maibigay na pangalan o pagkatao ng ni-isang biktima.”

“Kung ako ang magbubunyag ng mga ganitong akusasyon sa publiko, ang una kong gagawin upang pagtibayin ang mga paratang na ito ay isiwalat ang listahan ng mga biktimang napatay nito,” ayon sa abogado na nagtuturo sa University of the Philippines College of Law.

“Paano mo iimbestigahan ang murder kung wala namang namatay?”

Binigyang-diin din ni Roque na kapag mas nakapipinsala o mas mabigat ang mga akusasyong binibitawan ninuman sa publiko, “mas higit ang obligasyon ng nag-aakusa na patunayan ito.”

“Nakataya ang reputasyon ng isang institusyong pangrelihiyon at ng mga opisyal nito. Ang mga ibinunyag na paratang ni Menorca ay nagmumukhang galing sa nobela ni Dan Brown, at lubhang hindi makatarungan naman kung ang mga akusasyong ito ay base lamang sa usap-usapan o urban myth.”

Si Dan Brown ay ang may akda ng best-sellers na “Da Vinci Code” at “Angels and Demons.” Sa dalawang librong ito, nakabandera ang pakikilahok ng mga religious order at iba pang mga grupong may kinalaman sa gawaing kriminal gaya ng pagpatay.

Ayon kay Roque, ang abogada ni Menorca ay dapat na “nagpapayo nang tama sa kanya gaya ng pagkakaroon ng malaking pagkakaiba ng hearsay sa first-hand knowledge.”

“Ang mga ito ay narinig lamang ba o nakita niya mismo habang isinasagawa ang mga pagpatay? Malaking distinction ‘yan. Hindi ginagawa ng kanyang abogada ang kanyang trabaho kung hinahayaan nitong ibuyangyang ang isang napakahinang kaso sa publiko,” paalala ni Roque.

“Baka sa TV uubra ang akusasyon na ‘yan; pero sa korte, hindi.”

About Hataw News Team

Check Also

Rank no 9 MWP ng Laguna arestado

Rank no. 9 MWP ng Laguna arestado

NADAKIP ang lalaking nakatalang pangsiyam na most wanted person sa provincial level sa isinagawang joint …

Arrest Shabu

3 high-value drug pusher sa Pampanga tiklo P.68-M shabu nasabat

NASAKOTE ng mga awtoridad ang tatlong nakatalang high-value individuals (HVI) at nasamsam ang tinatayang 100 …

Sa anti-crime drive ng Bulacan PNP 17 TIMBOG, P80-K DROGA NASABAT

Sa anti-crime drive ng Bulacan PNP
17 TIMBOG, P80-K DROGA NASABAT

ARESTADO ang 17 indibiduwal na binubuo ng pitong personalidad sa droga, pitong wanted na kriminal, …

4 NBI employees, 7 fixers inaresto sa NBI clearance center

4 NBI employees, 7 fixers inaresto sa NBI clearance center

ALINSUNOD sa atas ni National Bureau of Investigation (NBI) Director (ret) Judge Jaime B. Santiago …

SM Foundation PRC FEAT

SM Foundation, PRC Qc Chapter join hands to establish clinical laboratory

PRC QC Chapter Gov. Ernesto S. Isla, SMFI Executive Director for Health & Medical Programs …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *