Friday , November 15 2024

Metro Manila full alert sa Undas — NCRPO

EPEKTIBO 6 a.m. ngayong araw ay naka-full alert na ang National Capital Region Police Office (NCRPO) para sa paggunita sa All Saint’s Day at All Soul’s Day.

Ibig sabihin ang buong puwersa ng pulisya sa buong Metro Manila ay dapat naka-duty na at lahat ng ‘leave’ ay kanselado na rin.

Ayon kay NCRPO spokesperson Chief Inspector Kimberly Molitas, magtatagal ang full alert ng NCRPO hanggang Nobyembre 3.

Ngunit desisyon na aniya ng field commanders kung kanilang i-extend sa kanilang lugar na nasasakupan.

Sa ngayon, mayroong higit 8,000 pulis sa buong Metro Manila, ilan dito ang ipadadala sa 98 sementeryo sa bansa upang magbigay ng seguridad sa ating mga kababayan na magtutungo sa mga libingan bago at sa mismong araw ng mga patay.

Dagdag ng NCRPO, wala silang namo-monitor na banta sa seguridad para sa araw ng Todos Los Santos.

Pahayag ni Molitas, nakapagsagawa na sila ng coordinating conference sa local government units para sa maayos na pagpapatupad ng Oplan Kaluluwa 2015.

Aniya, bawat sementeryo ay may police assistance hubs, maging sa bus terminals, pier at airport para sa maayos na pagbiyahe ng ating mga kababayan.

Tiniyak din ni Molitas na bagama’t nakatutok sila sa pagpapatupad ng Oplan Kaluluwa ay may sapat pa rin silang puwersa para sa law enforcement operations.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *