Friday , November 15 2024

Inmate utas sa kuyog ng 67 preso?

Gerardo ArgutaNAGTUTURUAN ang 67 preso sa Manila Police District-Police Station 6 hinggil sa pagkamatay ng isang rape suspect na sinasabing pinagtulungang bugbugin sa selda at nang dalhin sa Prosecutor’s Office ay nangisay at binawian ng buhay dakong 2:30 p.m. nitong Oktubre 24.

Unang iniulat na namatay sa sakit na epilepsy habang nilalapatan ng lunas sa Philippine General Hospital (PGH) ang rape suspect na si Gerardo Argota Jr., 45, carwash boy, ng Tenement Housing sa F. Manalo, Punta, Sta. Ana, Maynila.

Gayonman, sinabi ni SPO1 Alonzo Layugan, imbestigador ng MPD-Homicide Section, lumabas sa autopsy report na ang ikinamatay ni Argota ay “blunt traumatic injury thru clubbing,” dahilan para dalhin sa MPD-HS at imbestigahan ang 9 preso ng MPD-PS 6, kabilang si Mayores John Cris Lopez, 23-anyos.

Kasama sa iniimbestigahan sina Salvador Gozon, 41; Rowie Manalac, 23; Jay Villamor, 22; Michael dela Cruz, 23; Bernardo Lasartin, 40; Jermaine Robles, 29; Alvin Magno, 26; at Louie Mercado.

Aminado ang ilang preso na sinaktan nila si Argota nang dumating ang ina ng biktimang sinasabing ginahasa ng suspek, dakong 2:30 a.m. at sumisigaw dahil sa matinding galit.

Nabatid na si Argota ay nangisay sa harap ng prosecutor dahilan para atasan ang mga pulis na escort na isugod sa PGH ngunit binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas.

Si Argota ay inaresto ng mga barangay tanod at  ikinulong sa MPD-PS 6.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *