Saturday , April 26 2025

Letran vs. San Beda

062615 ncaaKAHIT na nagwagi sa huling dalawang laro kontra sa Letran, hindi pa rin nagkukompiyansa ang nagtatanggol na kampeong San Beda Red Lions sa sagupaan nila ng Knights para sa kampeonato ng 91st National Collegiate Athletic Association (NCAA) men’s basketball tournament.

Sa pananaw ni SBC coach Jamike Jarin ay halos parehas lang ang tsansa ng dalawang koponan at ang magwawagi sa salpukan nila sa Game One ng best-of-three series mamayang 4 pm sa Mall of Asia Arena ang siyang magkakaroon ng bentahe.

Kapwa umabot sa Finals ang Red Lions at Knights nang talunin ang magkahiwalay na kalaban sa Final Four noong Martes. Tinambakan ng San Beda ang Jose Rizal, 78-68 at naungusan naman ng Letran ang Mapua, 91-90.

Sa kanilang unang pagtatagpo noong Hulyo 16 ay dinaig ng Knights ang Red Lions, 93-80. Dahil dito ay sinasabing may tsansa ang Knights na masilat ang Red Lions at mapigilan ang mga ito na maibulsa ang ikaanim na sunod na kampeonato.

Sa sumunod na dalawang engkwentro nila ay dumaan sa butas ng karayom ang Red Lions bago namayani sa Knights.

Naugusan nila ang Knights, 77-73 noong Oktubre 6.

Nagtabla sila sa kartang 13-5 sa pagtatapos ng double round elims at kinailangan ng playoff upang madetermina kung kanino mapupunta ang top seed. Nakaulit ang San Beda sa Letran, 83-78 noong Oktubre 13.

Sa pananaw ni Jarin ay kailangang masabayan nila ang bilis ng kalaban. Susi kasi sa tagumpay ng Knights ang kanilang mabilis na switching defense na tumataranta sa kalaban.

Ang San Beda ay may anim na manlalarong nasa huling taon na sa NCAA at nais ng mga ito na maging maganda ang kanilang pamamaalam. Kabilang dito sina Ola Adeogun, Art dela Cruz, Baser Amer at Ryusei Koga.

Ang Knigths na hawak ni Aldin Ayo ay pinamumunuan nina Mark Cruz at Kevin Racal na kapwa aakyat na sa PBA matapos ang season. Sila ay sinusuportahan nina Rey Nambatac, Jomari Sollano at MacJour Luib.

(SABRINA PASCUA)

About Sabrina Pascua

Check Also

Philippine water polo junior teams, bronze sa Kuala Lumpur, Malaysia

Philippine water polo junior teams, bronze sa Kuala Lumpur, Malaysia

UMUKIT ng kasaysayan ang Philippine water polo junior teams tampok ang bronze medal ng boys’ …

World Slasher Cup 2025, Muling Babandera sa Ikalawang Edisyon sa Big Dome

World Slasher Cup 2025, Muling Babandera sa Ikalawang Edisyon sa Big Dome

Ang ikalawang edisyon ng World Slasher Cup 2024 ay nakatakdang ganapin mula Mayo 21 hanggang …

Milo Summer Sports Clinics

Milo Summer Sports Clinics

Ang matagal nang isinasagawang MILO Summer Sports Clinics ay inilunsad ngayong taon sa pinakamalaking saklaw …

AVC Petro Gazz talo sa Kaoshsiung Taipower

AVC: Petro Gazz talo sa Kaoshsiung Taipower

NANAIG ang Kaoshiung Taipower ng Chinese, Taipei, 25-15, 25-16, 19-25, 25-20 kontra Petro Gazz Angels sa 2025 …

Taipower nagpasiklab sa pagbubukas ng AVC

Taipower nagpasiklab sa pagbubukas ng AVC

Mga Laro sa Lunes(Philsports Arena) 10 am – VTV Binh Dien Long An vs Baic …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *