Sunday , December 22 2024

12 PNP officials, 3 pa kakasuhan sa AK-47 scam

PINAKAKASUHAN ng Office of the Ombudsman ang 15 opisyal ng Philippine National Police (PNP) kaugnay sa AK-47 scam.

Ito’y batay sa desisyon na ibinaba ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales ngayong Miyerkules.

Nahaharap sa kasong multiple counts ng violations of Sections 3(e) of Republic Act 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act) ang nasabing mga opisyal ng pulisya dahil sa pagbibigay ng lisensya sa mga AK-47 rifles noong Agosto 2011 hanggang Abril 2013.

Kinilala ang mga kakasuhan na sina Police Director Gil Meneses ng Civil Security Group; Police Director Napoleon Estilles ng Firearms and Explosives Office; Chief Superintendent Raul Petrasanta; Chief Superintendent Tomas Rentoy III; Chief Superintendent Regino Catiis; Senior Superintendent Eduardo Acierto; Senior Supt. Allan Parreño; Superintendent Nelson Bautista; Chief Inspector Ricardo Zapata, Jr.; Chief Inspector Ricky Sumalde; at SPO1 Eric Tan; SPO1 Randy De Sesto; at sina Nora Pirote (Caraga Security Agency); Sol Bargan (Caraga Security Agency); at Isidro Lozada (Caraga Security Agency)

Napag-alaman, mayroon pang hiwalay na kasong kinakaharap sina Estilles at Petrasanta dahil sa paglabag sa Section 3 ng Republic Act 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act).

Lumabas sa imbestigasyon ng Ombudsman na kuwestiyonable ang pagbibigay ng lisensya ng mga baril sa Caraga, Isla Security Agency, Claver Mineral Development Corp. at JTC Mineral Mining Corp. sa kabila ng kakulangan ng mga dokumento at ang iba pa rito ay mga pineke.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *