Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lando “spoiler” ng taon

00 kurot alexALL-SYSTEMS GO na sana sa pagbubukas ng 41st season ng Philippine Basketball Association (PBA) nitong linggo nang biglang pigilan ng hagupit ng bagyong si Lando.

Dahil sa sa tindi ng hangin na dala ng bagyong si Lando ay nagpasya ang pamunuan ng PBA na kanselahin muna ang opening ng PBA at itinakda na lang uli ito sa Miyerkoles.

Kaya naman yung mga fans ng PBA na matagal-tagal ding naghintay sa muling pagbubukas ng liga, todo ang pagkadesmaya.  Lalo na yung mga nasa bahay na naghihintay  ng live coverage sa tv.   Naging boring tuloy ang pananatili nila sa bahay sa araw ng Linggo.

Hindi lang ang PBA ang inasar nitong si Lando—maging ang UAAP at V League ay kanselado rin ang mahahalaga sanang laro.

Ang matinding sinansala nitong si Lando ay ang pagsigwada sana ng karera sa pista ng Santa Ana sa Naic, Cavite.

Naunsiyame tuloy ang mga karerista na mapanood ang malalaking pakarera tulad ng 2015 Sampaguita Stakes Race na kung saan ay maghaharap sana ang mga kabayong Malaya at Marinx at ang 2015 PCSO Anniversary Race na sasalihan sana nina Pugad Lawin, Low Profile at Hagdang Bato.

Ayon sa pamunuan ng Sta Ana, okey naman ang pista pero ang malakas na hangin ang inaalala nila na baka pagmulan ng disgrasya sa hinete at kabayo.

So, no choice sila kungdi suspendihin ang takbuhan sa araw na iyon.

KUROT SUNDOT – Alex Cruz

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Cruz

Check Also

Pinoy para athletes Asian Youth Para Games

Pinoy para athletes, hangad ang medalya sa Asian Youth Para Games

DUBAI, United Arab Emirates — Handa na sina Chester Rabanal at Christian Pepito para sa …

Cayetano SEA Games

Cayetano, todo suporta sa Philippine delegation sa 33rd SEA Games sa Thailand

PINANGUNAHAN ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang send-off para sa tatlong pambansang koponan …

Milette Santiago-Bonoan Mike Barredo Goody Custodio

Team Philippines Handa na sa Asian Youth Para Games sa Dubai

Dubai, UAE – Buong tiwala ang Team Philippines na mauulit o malalampasan nila ang kanilang …

POC Abraham Tolentino

Obiena at Iba Pang Atleta, Hindi Dadalo sa Opening Rites

BANGKOK – Hindi dadalo sa opening ceremonies, kabilang ang parada na pangungunahan ng two-time Olympian …

SEAG Baseball Clarance Caasalan

PH batter, winasak ang Malaysia para manatiling perpekto sa tatlong laban

PATHUM THANI, Thailand—Nagpatuloy ang Pilipinas sa kanilang panalo sa kompetisyon ng men’s baseball sa ika-33 …