Saturday , November 16 2024

Sara Duterte nagpakalbo para sa #Duterte2016

USAP-USAPAN ang larawan ni dating Davao City Mayor Sara Duterte sa social media na tila hinihimok ang kanyang ama na si incumbent Davao City Mayor Rudy Duterte na tumakbo bilang pangulo ng bansa sa 2016 presidential elections.

Sa kanyang instagram account, bukod sa larawan niyang nagpakalbo ay may caption pang “Nagpa upaw nalang ko samtang naghulat #Duterte2016 #kalboparasapagbabago #NohairWecare bisan walay kwarta, bisan way makinarya, bisan mapildi #justDUit,” o (Nagpakalbo nalang ako habang nahihintay ng #Duterte2016, kahit walang pera, kahit walang makinarya kahit matalo #justDUit).

Dahil dito, bumuhos ang suporta sa mga hirit ni Sara para sa kanyang ama na tumakbo bilang pangulo sa darating na halalan.

Nabatid na makailang beses nang inihayag ni Duterte na wala siyang balak na tumakbo bilang pangulo ng bansa.

Sa halip, nananawagan si Duterte sa mga humihikayat na tigilan na ang pagkombinsi sa kanya.

Sa press conference ng alkalde noong Lunes, muling humingi nang paumanhin ang alkalde sa mga gumastos nang malaki at nagbigay ng kanilang suporta sa kanya.

Aniya, hindi niya ambisyon na maging presidente ng bansa.

Taliwas sa panawagan ng ilan, hindi aniya siya ang sagot sa problema na kinakaharap ngayon ng Filipinas.

Binigyang linaw ni Duterte, tanging ang pagpapalaganap ng pederalismo ang kanyang pakay sa paglilibot sa bansa at hindi ang pagpapakilala ng kanyang sarili para sa eleksyon.

Una nang lumutang na ninanais nina vice presidential candidates Sen. Bongbong Marcos at Sen. Alan Peter Cayetano na kanilang maging kandidato sa pagka-presidente si Duterte.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *