Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bagyong Lando papasok sa PAR ngayong gabi

POSIBLENG pumasok ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Lando Miyerkoles ng gabi o umaga ng Huwebes.

Ayon kay Glaiza Escullar, weather forecaster ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), huling namataan ang bagyo sa layong 2535 km Silangan ng Luzon.

May lakas ito na 45 kph, habang gumagalaw pa-Kanluran Hilagang Kanluran na may bilis na 25 kph.

Ani Escullar, dalawang senaryo ang binabantayan ng PAGASA. Una ang posibilidad na mag-landfall ang bagyo sa pinakadulong bahagi ng hilagang Luzon, kabilang ang Calayan, Babuyan, at Batanes group of islands.

Ikalawa, ang posibilidad na hindi mag-landfall ang bagyo ngunit magkakaroon pa rin ng signal no.1 sa dulong bahagi ng hilagang Luzon.

Sa kasalukuyan, mananatiling maulap na may mahina hanggang katamtamang mga pag-ulan sa Batanes, Calayan, Babuyan group of islands, Apayao, Ilocos Norte, Cagayan, Isabela, Aurora, Quezon Provice, dahil sa tail-end ng cold front.

Habang sa Metro Manila, bagama’t makulimlim ang umaga, inaasahan na magiging maaliwalas ang kalangitan sa mga susunod na mga oras at panandalian lamang ang ulan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …