Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Killer ng bebot nalambat

BUMAGSAK na sa kamay ng mga tauhan ng Muntinlupa City Police ang dalawang suspek na sinasabing pumatay sa 38-anyos  babae sa harap ng New Bilibid Prison (NBP) nitong Biyernes (Oktubre 9) sa lungsod.

Kinilala ni Muntinlupa City Police chief, Senior Supt. Alan Nobleza ang mga nadakip na sina Eugene Ebisa, 30, at Reynaldo Cunanan, Jr., 36, sasampahan ng kasong murder sa Muntinlupa Prosecutor’s Office kaugnay nang pagpaslang sa biktimang si Leonora Deyta, 38-anyos.

Kamakalawa nasakote ng mga awtoridad ang dalawang suspek na magkaangkas sa isang Suzuki motorcycle (NC 88118) sa San Guillermo St. hangganan ng Brgy. Alabang at Brgy. Bayanan.

Nakuha sa pag-iingat ng mga suspek ang isang kalibre .45 baril na walang lisensiya, sinasabing ginamit sa pagbaril sa babaeng biktima, gayondin ang motorsiklong pinaniniwalaang ginamit nila sa pagtakas.

Base sa record ng Muntinlupa Police, Biyernes dakong 3:30 p.m., dumalaw sa isang preso sa NBP ang biktima at habang naglalakad papauwi ay biglang binaril ni Ebisa sa leeg si Deyta. Pagkaraan ay sumakay ang suspek sa naghihintay na motorsiklong minamaneho ni Cunanan. Isinugod ng Muntinlupa rescue team sa Muntinlupa Medical Center ang biktima ngunit binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas dakong 4:30 p.m. ng nasabing petsa. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …