Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Roxas pumalo sa Pulse Asia Survey

080115 PNoy Mar RoxasSUMIPA na ang pag-endorso ni Pangulong Benigno S. Aquino sa pambato ng ‘Daang Matuwid’ na si Mar Roxas.

Sa pinakabagong survey ng Pulse Asia, umangat na sa 20% ang rating ni Roxas. Umakyat ito mula 18% noong Agosto at mula 10% noong Hunyo.

Si Roxas ang nagkaroon ng pinakamataas na pag-angat sa survey laban kina Senador Grace Poe at Bise Presidente Jejomar Binay.

“Nagpapasalamat ako sa tiwala ng mga tao. Nagtitiwala ‘yung mga tao sa liderato ni PNoy,” sabi ni Roxas sa isang panayam sa isang hotel sa Maynila pagkatapos makipagpulong sa National Unity Party o NUP.

Humarap si Roxas sa NUP upang suyuin ang partido na manatili sa Daang Matuwid. “NUP has very important votes in the House and the coalition is part of the victories of Daang Matuwid because they voted on programs that have benefited the people,” pahayag ni Roxas.

Umaasa naman si Roxas na naging magandang pagkakataon ang kanyang pagharap sa NUP para sa pipiliin nilang suportahan sa nalalapit na eleksyon.

Samantala, kahit nangunguna sa porsiyento si Poe sa nakakuha ng 26% ay bumaba na ito mula sa 30% nakuha niya noong Hunyo.

Si VP Binay naman ay pumangatlo na lamang sa 19%, mula 22% noong Hunyo. Pang-apat  si Davao City Mayor Rodrigo Duterte na nakakuha ng 16% sa survey.

Ang pinakahuling Ulat ng Bayan ng Pulse Asia ay isinagawa Setyembre 8 – 14.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …