Sunday , December 22 2024

Ex-Iloilo Gov. Niel Tupas Sr., arestohin (Utos ng Sandiganbayan)

INIUTOS ng Sandiganbayan Fifth Division ang pag-aresto kay dating Iloilo Governor Niel Tupas Sr. at tatlo pa niyang kapwa akusado sa kasong graft dahil sa maanolmalyang pagbayad ng P4 milyon para sa koryente na hindi naman nagamit ng Iloilo.

Ayon sa Sandiganbayan, may probable cause ang kasong isinampa laban kay Tupas.

“After a careful assessment of the records, the documents and other evidence submitted together with the information of the above-entitled case, the Court finds the existence of probable cause and so orders the issuance of a warrant of arrest against the accused,” bahagi ng resolusyon ng Sandiganbayan Fifth Division.

Iniutos din ng anti-graft court na ilagay sa Hold Departure List ng Bureau of Immigration ang dating gobernador para hindi makaalis ng bansa.

Nabatid na sa kasong isinampa ng Ombudsman, sinasabing nagsabwatan sina Tupas, Iloilo provincial accountant Lyd Tupas, Office of the Provincial account assistant department head Sandra Bionat, at General Services Department head Ramie Salcedo na magbayad ng P4 milyon sa Green Core Geothermal. Inc. para sa supply ng koryente simula Setyembre 26, 2007 hanggang Disyembre 25, 2011.

Ang supply ng koryente ay para raw sa konstruksyon ng Iloilo Multi-Purpose Convention Center.

Bagama’t hindi natuloy ang konstruksyon ng convention center, nagbayad pa rin si Tupas ayon sa Ombudsman, ng P5.88 milyon para sa koryente sa billing period na Disyembre 2009 hanggang Abril 2010 kahit na ang totoong electricity consumption lamang ng lalawigan para sa nasabing period ay nasa P1.88 milyon.

Noong nakaraang linggo, hiniling ng kampo ni Tupas sa Sandiganbayan na ipagpaliban ang pagpapalabas ng arrest warrant dahil may nakabinbin silang apela para sa TRO, sa Court of Appeals.

Ngunit ayon kay Sandiganbayan Fifth Division clerk of court Atty. Ma. Teresa Pabulayan, sa ngayon ay walang utos ang korte na bawiin ang arrest warrant laban dating gobernador ng Iloilo.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *