Sunday , December 22 2024

Lady ring boss, bangag timbog sa P7.2-M shabu

ARESTADO sa mga awtoridad ang isang babaeng lider ng Amalie drug group at nakompiskahan ng P2.2 milyong halaga ng shabu sa Quezon City habang nakompiskahan ng P5 milyong halaga ng parehong droga ang isang bigtime drug pusher na kumanta habang bangag sa droga sa Valenzuela City.

Bumagsak sa kamay ng mga operatiba ng Quezon City Police District, District Anti-Illegal Drugs (QCPD, DAID) ang babaeng lider ng Amalie drug group na kinilala ni Chief Supt. Edgardo G. Tinio, QCPD Director, na si Merlita Samson, alyas Merly, 45, tubong Bacolod City, at residente sa Sitio San Roque, Brgy. Bagong Pag-asa.

Ayon kay Tinio, ang pagkakaaresto kay Samson ay bunga nang isinagawang operasyon ng DAID, Special Operation Task Group sa pamumuno ng hepeng si Chief Insp. Enrico Figueroa, nitong nakaraang linggo sa Brgy. Greater Fairview na nagresulta sa pagkamatay ng dalawang tulak nang lumaban sa mga operatiba.

Ayon kay Chief Insp. Figueroa, dakong 4:30 a.m. nang magsagawa sila ng operasyon laban sa suspek sa kanto ng Hilltop Street at Araneta Avenue, Brgy. Tatalon, Quezon City.

Dagdag ni Figueroa, nadakip si Samson makaraan bentahan ng mahigit isang kilong shabu ang pulis na nagpanggap na buyer.

Narekober sa suspek ang P200,000 marked money at shabu na nakalagay sa dalawang malaking plastic bag.

Samantala, arestado rin ang suspek na si Warren Caballero, 23, ng Sitio Lawang Bato, Kakarong Matanda, Pandi, Bulacan, nang kumanta habang bangag hinggil sa dala niyang P5 milyong halaga ng shabu sa Valenzuela City.

Si Caballero ay nahaharap sa kasong paglabag sa  Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), Article II of Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, nakapiit sa detention cell ng Valenzuela City Police.

Batay sa ulat ng Barangay Karuhatan ng nasabing lungsod, dakong 4 p.m. nang matiyempohan ng mga tanod ang suspek habang nagsasagawa ng pag-iikot sa lugar.

Napansin ng mga tanod ang suspek na pinagkakaguluhan ng mga tao dahil sa kakaiba nitong kilos na mukhang nasisiraan ng bait.

Bunsod nito, napilitang dalhin ng mga tanod sa kanilang barangay hall ang suspek upang hindi na mapahamak sa taong bayan.

Nang kausapin at dahil na sa labis ng kalanguan ay napilitang ipakita ang laman ng kanyang bag na natuklasang isang kilo ng shabu.

Agad nakipag-ugnayan sa mga awtoridad ang mga opisyal ng barangay dahilan upang isailalim sa imbestigasyon ang suspek at sinampahan ng kaso.

ALMAR DANGUILAN/ROMMEL SALES

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *