Sunday , December 22 2024

Hamon kay De Lima sa Ortega murder: Reyes Usigin

TAHASANG hinamon si Justice Secretary Leila de Lima na isulong ang prosekusyon laban kina dating Palawan governor  Joel Reyes at sa kanyang kapatid na si dating Coron mayor Mario Reyes, kapwa akusado bilang utak sa pagpatay kay environmentalist-mediaman Dr. Gerry Ortega noong 2011.

Pirmado ng mahigit 32,000 tagasuporta ang petisyon ng pamilya Ortega para resolbahin ni De Lima ang pagdinig laban sa mga akusado bago pa bumaba sa puwesto ang justice secretary na planong tumakbong senador sa 2016 elections.

Si De Lima ay dating abogado ni Reyes bago maitalaga sa ano mang posisyon sa gobyerno.

“Secretary De Lima can prove her impartiality by immediately acting on the pending petition before her office and prevent the case from being dismissed on mere technicalities,” sabi ng Ortega supporters.

Nagtungo ang mga Ortega sa Department of Justice (DOJ) sa Padre Faura St., nitong Biyernes upang isumite ang petisyon sa tanggapan ng justice secretary.

Siniguro ng top police officials sa pamilya Ortega na patuloy ang manhunt laban sa Reyes brothers.

Bago pa ang murder noong January 2011, maingay na si Ortega laban sa local officials dahil umano sa maling paggamit ng pondo mula sa operasyon ng Malampaya gas field sa Palawan.

Sa isang pahayag, sinabi ni Patty Ortega, asawa ng biktima, “limang taon na mula nang mapatay si Gerry pero hanggang ngayon ay hindi pa malaman ang kinaroroonan ng Reyes brothers.”

Ikinalungkot din ni Patty na ang nakabitin na petisyon para sa review upang mabaliktad ang resolusyon na inisyu ng unang panel ng mga prosecutor noong 2011 na nagbasura sa murder charges laban sa Reyes brothers ay hindi pa rin inaaksiyonan ni De Lima.

“Batid po namin na sa mga araw na darating, magbibitiw na sa kanyang tungkulin bilang kalihim si Secretary Leila de Lima upang maghanda para sa kanyang pagtakbo bilang senador. Nais po naming hilingin kay Sec. De Lima, bago siya magbitiw ay resolbahin na niya ang aming nakabinbing Petition for Review sa resulta ng preliminary investigation ng unang DOJ panel na nag-imbestiga sa kaso,” pahayag ni Patty.

Aniya ang kanyang pamilya ay patuloy na umaasa na tototohanin ni De Lima ang kanyang pangako na maging patas sa kaso kahit dati niyang kliyente ang ex-governor bilang election lawyer nito.

“Marami na ang nagsasabi sa aming pamilya na huwag kaming umasa sa DOJ na itaguyod ang hustisya sa usapin ng kasong ito, dahil na rin sa bukas na kaalaman na dating kliyente ni Sec. de Lima si ex-governor Reyes noong siya ay private election lawyer pa lamang. Marami rin ang nagsasabi sa amin na sadyang hindi binigyan ng pansin ng pamahalaan ang paghahanap at paghuli sa mga nasasakdal, sa kabila ng public pronouncements. NGunit nananatili kaming umaasa hanggang ngayon sa binitiwang salita ni Sec. De Lima na magiging parehas ang pagtrato ng kanyang departamento sa kasong ito,” ani Patty.

Inilabas ng Court of Appeals ang ruling noong October 2014 na nag-aatas kay De Lima na resolbahin ang petition for review na inihain ng Ortega famiy.

Ibinasura ng korte ang petition ng former Palawan governor na nagbabawal sa Office of the Secretary of Justice na magsagawa ng karagdagang hakbang sa preliminary investigation ng kaso.

Hinilling ni Reyes ang inhibition ni De Lima sa pagresolba sa petition for review matapos ang pahayag ng DoJ chief na gumagamit umano ang akusado ng “foul tactics and illicit means” upang paboran siya ng appellate court.

Tinukoy din ni Reyes ang pahayag ni De Lima na ang kanyang tanggapan ay naghahanda ng “contingency plan-resolution” ng nakabitin na  pending petition for review ng Ortega family matapos ang CA ruling na humarang sa pagbuo ng pangalawang panel ng mga prosecutor at ang sumunod na pagkakakita ng probable cause upang panagutin siya sa kasong  murder.

Noong October 2013, idineklara ng CA  na pinal ang March 19, 2013 decision na nagsasawalang-sala sa former governor sa kasong  murder kaugnay ng Ortega  killing.

Ang CA March 19, 2013 decision ang nag-reinstate ng naunang  resolusyon na inilabas ng unang panel ng prosector ng DoJ na nagpawalang-sala sa Reyes brothers at apat pang akusado sa murder charges dahil sa kakulangan ng ebidensya.

Ipinasawalang sala rin si Mayor Reyes ng isa pang diivision ng CA.  Hinamon niya ang order ni De Lima na bumuo ng pangalawang  panel ng  investigator na nagbago sa findings ng naunang panel.

Sa kaso ni former governor Reyes, sinabi sa CA decision na imbes bumuo ng pangalawang panel ng investigator, ni-review mismo sana ni De Lima ang kaso.             

 “Instead of doing so and in brazen disregard of the rules of procedure, she (De Lima) let the second panel of prosecutors run its course and ignored the pending petition for review ad cautelam filed by Patty Ortega (spouse of the victim) that was already on appeal before her. This is a clear showing of wanton disregard of the rules of procedure and applicable jurisprudence,” ayon sa CA.

“She (De Lima) should have acted on the petition for review ad cautelam (as a precaution) filed by private respondent and should not have allowed the second panel of prosecutors to proceed on its task considering further that the promulgation of Department Order No. 710 is legally infirm to begin with,” saad sa desisyon.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *