Sunday , December 22 2024

Roxas anti-Bicol (Sa alok na VP kay Leni)

0921 FRONTDESPERADO, mababaw, makasarili, salat sa malasakit para sa Bicol.

Ito ang deretsahang paglalarawan ni Camarines Sur Rep. Rolando Andaya Jr., sa pinakahuling hakbang-pampolitika ng Liberal Party (LP) presidential aspirant na si Mar Roxas na kombinsihin ang kaprobinsyang mambabatas mula sa Camarines Sur na si Leni Robredo upang maging vice presidential candidate ng LP sa 2016.

“Sa pagtakbo ni Cong. Leni bilang VP laban sa kapwa Bicolano, Bicol ang talo,” ayon sa batikang mambabatas.

“Makasarili at napakakitid ng hakbang na ito ni Mar. Hindi makatarungan para kay Cong. Leni. Higit na masama para sa Bicol,” daing ni Andaya.

Kung si Albay Gov. Joey Salceda naman ng LP ang tatanungin, naniniwala siya na ang pagkakahirang ng partido kay Robredo bilang katambal ni Roxas ay “hindi maganda” para sa Bicol kasabay ng pahayag na sa pagtakbo ni Escudero, hindi nito ipapayo na “labanan ng isang Bicolano ang isa pang Bicolano.”

Kailangan ni Roxas si Robredo, ayon kay Andaya, “para lamang pagandahin ang kanyang numero sa mga survey, pampaguapo sa imaheng hindi tinatanggap ng tao hanggang ngayon at gawing kaaya-aya ang panlabas na anyo sa madla,” at sadyang kinasangkapan ang mambabatas mula Camarines Sur “upang tibagin ang Botong Bikolano, matapatan lamang si Sen. Chiz Escudero, “na noong Huwebes ay naunang magdeklara ng kandidatura bilang Bise Presidente.”

“Maliwanag pa sa sikat ng araw, pag-alis ng Bagyong Yolanda na walang pakialam si Mar kung mananalo si Cong Leni o hindi. Dahil ang tanging hangad niya ay pakinabang na ibibigay nito sa kanya at saktan ang mga katunggali sa politika,” mariing pahayag ng mambabatas mula Bicol.

Sa kabila ng maagang pagsasapubliko ng kandidatura bilang pangulo noong Hulyo, wala pa rin nakikitang kapareha si Roxas hanggang ngayon – katulad ng kalagayan ni Vice President Jejomar Binay na siyang pinakamaagang nagpahayag ng pagnanais na tumakbo sa pinakamataas na puwesto sa bansa.

Isang araw matapos ihayag noong Miyerkoles ang pagtakbo bilang pangulo, agad kinuha ni Sen. Grace Poe si Escudero bilang kanyang katambal. Base sa pinakahuling resulta ng survey, nangunguna ang senadora sa karerang pampanguluhan at sinusundan ni Binay sa pangalawang pwesto at si Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang pumapangatlo.

Nasa gawing hulihan sa paligsahang ito si Roxas.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *