Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

7 rape-slay suspects parurusahan na (Sa batas ng Islam)

0915 FRONTKORONADAL CITY – Nakatakda nang parusahan ang pito sa walong naarestong mga suspek na gumahasa at brutal na pumatay sa 18-anyos high school working student sa Buluan, Maguindanao.

Ito ang ipinaabot na impormasyon ni Mariano, pinsan ng biktimang si Bainor Solaiman.

Ayon kay Mariano, wala pa siyang alam kung kailan ang isasagawang pagpaparusa sa mga suspek makaraang mahuli ang pito sa kanila.

Nabatid na batay sa tradisyon ng Islam, kung ano ang ginawa ng mga suspek sa biktima, ay ganoon din ang parusang ipapataw sa kanila.

Sinabi pa ni Mariano, mga manggagawa sa isang plantasyon ng saging malapit lamang sa paaralan ng biktima ang pitong suspek na nagsamantala kay Bainor na chinop-chop ang katawan at sinunog ang bahay kung saan siya pinatay.

Katunayan aniya, hanggang ngayon ay hindi pa makita ang ilang bahagi ng katawan ng biktima.

Napag-alamang anak ng MILF commander ang biktima.

Si Bainor ay nasa second year college na at fourth year high school naman sa Arabic class sa Mahad School sa Buluan, Maguindanao.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …