Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ellen, ibinuking na ‘pabebe’ raw si Ejay

083015 Ejay Falcon ellen adarna

00 fact sheet reggeeNAKATATAWA pala sina Ejay Falcon at Ellen Adarna dahil para silang aso’t pusa sa set ng Pasion de Amor na parating nagkaka-pikunan.

Pero ang basa naman ng mga katoto kay Ellen ay sinasadya nitong paglaruan si Ejay kasi nga sobrang bait at dahil probinsiyano kaya sunud-sunuran lang.

Hindi naitago ni Ejay na totoong inaasar siya ng leading lady niya sa Pasion de Amor at umaming napipikon na siya dahil nga sensitive siyang tao.

Mukhang si James Reid ang karibal ni Ejay kay Ellen?

“Actually, lagi niya akong (inaasar) kasi guwapong-guwapo siya kay James Reid.

“Tapos lagi niyang sinasabi, ‘O, wow! Guwapo ka rito ha, James Reid!’

“Gusto ko sabihin niya, ‘Guwapo ka rito, Ejay!’

“Yun ‘yung sa rami ng pambu-bully niya sa akin, isa ‘yun, ‘yung mga ganoon!” ‘pag-amin ng aktor habang natatawa sa kanya ang sexy star.

Nagseselos nga ba si Ejay sa bidang lalaki ng On The Wings Of Love.

“Hindi, actually, dati po talaga seloso po talaga akong tao. Aaminin ko, seloso ako, sensitive ako.

“Pero ng nakasama ako kay Ellen, napag-aralan ko na ‘yung sarili ko para mawala ‘yung selos, ‘yung pagiging sensitive.

“Kasi wala, eh, kailangan mong matuto, kailangan mong mag-adjust sa tao.

“And feeling ko talaga, nawawala ‘yun,” pag-amin ng binata.

Hirit naman ni Ellen, ”para kasing babae minsan. In so many ways, he’s sensitive, mabilis mapikon. Kasi ako, mahilig akong mang-asar.

“Hindi ko naman intention to hurt him. Tapos minsan nagtatampo-tampo siya sa mga ganyan. Pabebe boy!”

Susme, pabebe pala si Ejay?  Bale ba, hinahanap-hanap ng aktor ang pang-aasar sa kanya ni Ellen dahil hindi na raw nito ginagawa.

“Oo nga, hindi na niya ako pinipikon, nami-miss ko na, matagal na, sabi ko nga, bakit kaya hindi na ako pinapansin nito?” pag-amin ng binata.

Madalas sa condo ni Ellen

Ibinuking ni direk Ruel Bayani na business unit head ngPasion de Amor na pumupunta si Ejay sa condo unit ni Ellen at kung ano ang ginagawa nila ay wala siyang alam.

Inamin naman ng dalaga na pumupunta nga si Ejay sa unit niya at tinulungan pa siyang maglipat ng gamit.

“Oo, kasi noong time na ‘yun, nagloko ‘yung driver ko. Tapos magka-text kami, ‘Anong plano mo today?’

“Sabi ko, ‘Kailangan ko bumili ng gamit-pambahay. I need a hand. So, ‘yun, tinulungan niya ako,” kuwento ng aktres.

Binanggit ni Ellen na wala pang ligawan dahil, ”getting to know each other pa lang. Tapos lumalabas kami. ‘Yun lang. At saka hindi pa ako ready kasi kaka-break ko lang ng ex-boyfriend ko, eh.”

At sa tanong kung may chance bang maging sila ni Ejay,”everything is possible naman.”

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …