Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sa bagong DILG chief: Gawa ni Mar ituloy – PNoy

AYAW maantala ni Pangulong Noynoy Aquino ang magandang trabaho ni dating kalihim Mar Roxas sa Department of Interior and Local Government kaya’t iniutos niya ang maayos na turn over, sabi ng Palasyo.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, naging mahalaga kay PNoy ang maayos na halinhinan sa DILG para hindi maantala ang mga importanteng proyekto rito. 

“The President has always been concerned about ‘yung continuity also in DILG because there are a lot of frontline service projects that are also under the DILG. Nandiyan ‘yung SALINTUBIG, nandiyan ‘yung part no’ng PAMANA program ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process, nandiyan siyempre ‘yung patuloy na pagpapalakas sa ating Philippine National Police, and that was really one of the major concerns of the President at the time of the resignation of Secretary Roxas,” ani Valte.

Tiniyak ng Palasyo na handang-handa si bagong DILG Secretary Mel Senen Sarmiento para sa hamon ng pangunguna sa ahensiyang iniwan ni Roxas, na nagbitiw para maiwasan ang akusasyon ng paggamit sa puwesto para sa kandidatura nito.

Pambato ni PNoy si Roxas sa darating na halalang pampanguluhan sa 2016 at makakalaban niya si Vice President Jejomar Binay na hanggang ngayon ay wala pang tugon sa mga panawagang magbitiw sa puwesto para hindi magamit ang kaban ng bayan sa kanyang kampanya.

“Secretary Sarmiento has also been already working on the transition for the DILG. Alam na rin naman po ni Secretary Mel ‘yung mga proyekto ng DILG at kung paano po ‘yan dapat pang maituloy,” pahayag ni Valte.

Sa ilalim ng pamumuno ni Roxas, namayagpag ang mga programa para sa mga LGU, PNP at Bureau of Fire Protection. Nabigyan ng 12,399 bagong radyo ang PNP at 1,490 bagong patrol jeep para makatulong sa pagroronda ng mga pulis panlaban sa kriminalidad.

Naglagay din ang DILG ng 523 CCTV cameras sa matataong lugar at sa mga estasyon ng pulisya.

Four hundred sixty nine (469) na bagong fire trucks, kompleto sa estasyon at gamit, ang naibigay na sa mga munisipyong ni minsan ay hindi napagkalooban ng sariling fire truck sa ilalim ng ibang administrasyon.

Dahil naman sa inilunsad na Oplan Lambat Sibat ni Roxas sa PNP, umabot sa 448 sa 603 Most Wanted sa Kamaynilaan ang nasa kalaboso na.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …