Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gerald Santos, puwede nang bansagang Prince of Musical Play

081115 gerald santos

KUNG magse-survey man tayo ngayon kung sino ang karapat-dapat na tawaging Prince of Musical Play, walang duda, ang pangalan ni Gerald Santos ang runaway winner.

Bidang-bida  kasi si Gerald sa Pedro Calungsod  (The Musical) at hanggang ngayon ay iniikot niya ito sa lahat ng Catholicschools sa buong kapuluan.

Bukod dito, may isa pang musical play na niluluto for Gerald , mas malaki ang scope nito dahil unlike sa Pedro Calungsod na pang-Katoliko lang, ngayo’y  isang Biblical character ang gagawin niya kaya puwedeng manood ang kahit sino.

Busiest year so far  for Gerald ang 2015  dahil nga rito saPedro Calungsod. Every year din ay palagi siyang may malakihang concert. In fact, nominado si Gerald for Concert Performer of the Year para sa  nakaraan niyang concert sa PICC kamakailan entitled It’s Me.

Nominated din si Gerald bilang Male Pop Artist of the Year para sa kanyang kantang Kahit Anong Mangyari.

INDIE MOVIE, GAGAWA RIN

Anytime soon ay magsu-shooting na rin si Gerald ng isangindie movie na isasali sa New Wave Category sa darating na MMFF.

Nalaman ko mula mismo kay Gerald na si Pedro Calungsod pala ay namatay sa edad na 17. Batambata pa.Nalaman ko rin na  hindi kumuha ang producer ng alternate for Gerald para sa nabanggit na musical. Wala raw kasing mahanap ang produ na puwedeng gumanap kundi si Gerald lamang.

Mahaba pa raw ang lalakbayin ng Pedro Calungsod the Musical at kapag  natuloy ang isa pang  musical aba, mukhang malilinya na talaga si Gerald sa teatro.

Happy siyempre si Gerald dahil ang dami niyang work pero wish ni Gerald na makabalik sa telebisyon bilang performer sa isang variety show o kaya sa teleserye dahil pagdating sa pag-arte ay hasang-hasa na siya.

MAKATAS – Timmy Basil

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Timmy Basil

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …