Wednesday , January 15 2025

Resign petition vs Tolentino ibinasura ng Palasyo

IDINEPENSA ng Malacañang si MMDA Chairman Francis Tolentino mula sa panawagang magbitiw sa puwesto dahil sa kabiguang mapaluwag ang daloy ng mga sasakyan sa kahabaan ng EDSA.

Ginawa ni Communication Sec. Sonny Coloma ang pahayag nang umani ng suporta ang isang online petition na humihirit sa pagbibitiw ni Tolentino dahil sa sinasabing kapalpakan at abala na siya sa pangangampanya.

Sinabi ni Coloma, patuloy ang pagtitiwala at kompiyansa ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III kay Tolentino dahil ipinakita niya ang kakayahan sa pagganap ng tungkulin sa nakalipas na limang taon.

Ayon kay Coloma, katunayan, si Tolentino ang nagmungkahi kay Pangulong Aquino na i-deploy ang PNP-HPG para mapatino at mapaluwag ang trapiko sa EDSA.

Iginiit ng kalihim na ang pag-iikot ni Tolentino sa mga probinsiya ay bahagi ng kanyang official functions upang ipaliwanag  ang kanyang nalalaman at karanasan sa disaster preparedness bilang taga-pangulo ng Metro Manila Disaster Risk Reduction and Management Council.

About Hataw

Check Also

Arrest Caloocan

2 holdaper timbog sa Caloocan

ARESTADO ang dalawang hinihinalang holdaper sa ikinasang follow-up operation ng mga awtoridad sa 8th Ave., …

Cold Temperature

Baguio temp bumagsak sa 13.8 degrees Celsius

LALONG bumaba ang temperatura sa lungsod ng Baguio nang umabot ito nitong Lunes, 13 Enero, …

Iglesia ni Cristo INC PEACE RALLY Quirino Grandstand

Sa Quirino Grandstand sa Maynila
HIGIT 1.5-M MIYEMBRO NG INC NAGTIPON PARA SA ‘PEACE RALLY’

UMABOT sa higit 1.5 milyong kasapi at tagasuporta ng Iglesia ni Cristo (INC) ang nagtipon …

011425 Hataw Frontpage

4-ANYOS NENE, AMA NATAGPUANG PATAY SA ISANG MAKATI CONDO  
Murder-suicide tinitingnang anggulo

NATAGPUANG wala nang buhay ang isang 22-anyos lalaki at kaniyang 4-anyos anak na babae sa …

Chavit Singson Vbank VLive

Manong Chavit pinahalagahan kalusugan, pagtakbong senador iniatras

“MGA kaibigan, mahalaga na maayos ang kalusugan para magpatuloy ako sa pagtulong at magbigay ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *