Saturday , November 23 2024

Parking sa Mendiola P40 sa MTPB, P20 sa lespu

00 Bulabugin jerry yap jsyMAYROON palang kumikita sa kalsadang ipinagawa mula sa buwis ng mamamayan sa Mendiola St., diyan sa San Miguel, Maynila.

Ang nasabi pong napakaikling kalye na nagsisimula sa sugpungan ng Legarda at C.M. Recto Avenue at natatapos hanggang sa Gate 7 ng Malacañang ay nagsisilbing ‘parking area’ ng mga kotse ng mga estudyante, professor at siguro ay ilang empleyado ng San Beda Colleges, Centro Escolar University at La Consolacion College.

Talamak ang ganitong sistema sa bansa, na ginagawang parking area ang mga kalsadang dapat sana ay nagagamit ng mga motorista at pedestrian. Kahit saang panig ng bansa ay umiiral ang ganitong sistema.

Anyway, taxpayers’ money ang nagpapagawa sa mga kalsadang ‘yan, kaya siguro malakas din ang loob ng marami na gawing garahe ang nasabing kalsada.

Pero teka, ano itong inirereklamo ng mga magulang at estudyante na P60 daw ang bayad kapag nag-park sa nasabing lugar?!

P60 ang bayad pero ang resibo ay P40 lang.

Dahil ‘yung P20 ay para raw sa ‘nagbabantay’ na pulis sa Mendiola PCP. Ito pong Mendiola PCP ay under Manila Police District Sta. Mesa Station (PS8).

Ang tindi rin ng kapalmuks ano?!

Senator Johnny Ponce Enrile timing na timing ang ‘bail’ courtesy of Supreme Court?

MAGING precedent kaya ang pagpayag na magpiyansa si Senator Johnny Ponce Enrile para sa kanyang pansamantalang kalayaan?!

‘Yan po ang tinitingnan ngayon ng maraming abogado.

Bago kasi ang pagpayag ng Korte Suprema na magpiyansa si Enrile, maraming matatandang inmate lalo na ‘yung mahigit 70-anyos na ang humihiling sa Department of Justice (DoJ) na bigyan na sila ng clemency o piyansa sa mga hindi pa sentensiyado.

Pero ang mga petisyon na ito ay laging natatabunan lalo na kung walang mga kaanak o abogado na nagpa-follow-up.

Kaya naman nakagugulat ang pagpayag ng Supreme Court na payagang magpiyansa si Enrile sa asuntong plunder.

Iba na talaga kapag may power na, may money pa.

Ang ginamit na rason para payagang mag-bail si Enrile ay for ‘moneytarian’ ‘este “humanitarian reasons” umano.

Aba ‘e gamiting precedent ‘yang kaso ni Enrile para ma-decongest ang mga kulungan sa National Bilibid Prison (NBP) lalo na sa mga estasyon ng pulisya na laging parang ‘sardinas’ ang mga inmate na nagsisiksikan.

Nagtataka naman tayo sa kaso ni Enrile… mahina, matanda at maysakit kaya pinayagan siyang makapag-bail?!

‘E kinabukasan pagdating sa Senado, ang lakas-lakas, matikas maglakad at tila naghahamon pa ng debate nang sabihing, “masyado nang matagal ang imbestigasyon sa mga Binay in aid of legislation.”

‘Yan ba ang nanghihina?

Palayain na rin ang mga senior citizen na nasa iba’t ibang bilangguan kapag ganyan ang usapan ‘di ba?!

Halatang personalan na ang style ni Mison

Natatawa na lang daw ang mga immigration personnel, pati na ang kanilang mga abogado, na pilit kinakasuhan ni Immigration Commissioner Siegfred ‘green card’ Mison tungkol sa hindi pag-comply sa kanilang mga destino partikular sa mga itinapon sa Border Crossing Stations ng Filipinas.

Ayon sa kanila, majority raw sa kanila ay nakatanggap ng reply sa kanilang Motion for Reconsideration na “Your request for reconsideration is hereby DENIED for no cogent reason!”

Sonabagan!!!

 Denied for no cogent reason?!

At kailan naman hindi naging “cogent reason”  Commissioner  Miso ‘este  Mison  ang tumanggi  sa  isang  destino  dahil  isa  kang SINGLE PARENT!?

O ang itapon sa isang delikadong lugar without the person’s consent o pagkakaroon ng isang empleyado ng “LIFE THREATENING MEDICAL CONDITION?”

Nag-iisip ka pa ba, Comm. Fred ‘US immigrant’ Mison? Sayang naturingan ka pa namang abogado at nagtuturo pa ng butas ‘este batas pero lumalabas na parang hindi ka abogado kung mag-isip?

Kung magiging objective lang sa decisions at hindi magiging subjective, alam mo na bawal na bawal sa Civil Service Rules ang mga diskarte mo o gustong mangyari.

Huwag mong pinepersonal ang mga taong alam mong hindi kayang lumaban sa ‘yo.

Hindi pwede ang diskarte mo na “What Mison wants, Mison gets!”

Bulok na diskarte na ‘yan, Freddie boy!

Baka riyan ka makanal sa diskarteng ‘yan?

Hihintayin mo pa ba na sumemplang ka sa magiging desisyon ng Civil Service?

Alalahanin mo, may ruling na riyan ang Supreme Court when it comes to displacement and dislocation of government employees (Rep. of the Phils. v. Minerva Pacheo).

 Sabi nga ng CSC; “transfer of personnel must be exercised without grave abuse or discretion and putting to mind the basic elements of justice and fair play” moreover, will cause financial dislocation, difficulty or hardship on the part of the employee due to geographic location.”

If I were you Comm. Fred ‘pabebe’ Mi-son, isantabi mo muna ang pagiging benggador mo and be fair to your judgment!

Alalahanin mong kahiya-hiya ka lang kung matatalo sa kaso.

Naturingang sa Amerika ka pa naman nag-aral ng abogasya.

Hindi ba kaya ka nga naging “US green card holder” dahil doon ka nga nagtagal at nagpakadalubhasa?

 Pagkatapos mababalikan ka lang at makakasuhan ng mga inagrabyado mo dahil sa “GROSS IGNORANCE?”

Yuckks @#!$%*!

Mortal sin ‘yan sa isang lawyer, ‘di ho ba Immigration lawyer Roy ‘betty’ Ledesma?!

Sabi nga ng ilang katotong abogado riyan, matalo ka na sa merits ng kaso, huwag lang masabing ‘IGNORAMUS’ ka ‘di ba?

Agree ka ba riyan, Atty. Manuel ‘listerine’ Plaza? 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *