Sunday , December 22 2024

Kagawad na ex-pulis binoga sa sentido ng pasahero (Nagmamaneho ng AUV)

082615 crime gun
PATAY sa isang tama ng bala sa sentido ang retiradong pulis-Maynila na si SPO1 Salvador Legazpi at kasalukuyang barangay kagawad sa Brgy. 47 Zone 3 sa loob ng kanyang minamanehong Nissan Urvan sa kanto ng Radial Road 10 at Moriones St., Tondo, Maynila. (BONG SON)

PATAY ang isang dating pulis na naninilbihang barangay kagawad at namamasada ng AUV nang barilin sa sentido ng isa sa kanyang pashero sa kanto ng Radila Road 10 at Moriones St., sa Tondo, Maynila kahapon ng umaga.

Sa inisyal na imbestigasyon, limang lalaki ang sumakay sa AUV na minamaneho ng biktimang si retired SPO1 Salvador Legaspi, 54-anyos, dating nakatalaga sa Manila Police District Station 2, at ngayo’y barangay kagawad sa Brgy. 47 sa Tondo.

Pumara ang suspek at sinabing may nakalimutan, ngunit pagkababa ay umikot sa passenger’s seat sa driver side saka pinaputukan ang biktima.

Inaalam ng pulisya kung may kinalaman sa pagiging presidente ng Moriones Drivers’ Association ang pagpaslang sa biktima.

Samantala, kinuha na ng mga pulis ang CCTV sa naturang lugar para alamin ang pagkakakilanlan ng mfa suspek.

(LEONARD BASILIO)

About Leonard Basilio

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *