Sunday , December 22 2024

Consultants ‘di kasambahay (Iginiit ni Sen. Sonny Trillanes)

082615_FRONT copy

MARIING itinanggi ni Senador Antonio “Sonny” F. Trillanes IV ang alegasyong ginagamit niya ang pondo ng Senado para sa kanyang mga personal na gastos at pagpapasuweldo sa kanyang mga kasambahay.

Ani Trillanes: “Ang mga pangalang inilabas sa isang pahayagan ay mga tunay at legal na consultant. Ilan sa kanila ay kinuha bilang mga confidential agent para sa kasalukuyang imbestigasyon sa Senado ukol sa mga anomalyang kaugnay kay VP Binay; habang ang iba naman ay gumagawa ng field research, staff work, at iba pang kaugnay na gawain na iaatas sa kanila.”

Dagdag ni Trillanes, ang isyu kaugnay sa mga consultant ay dati nang inilinaw ng Commission on Audit, at hanggang ngayon ay walang inilalabas na notice of disallowance ukol sa isyu.

Dati nang nagpulong ang Senado at COA at napag-usapang walang ilegal sa mga gastos ng mga Senador para sa mga consultant nito.

“Naniniwala ako na ang malisyosong isyu na ‘to ay inilabas upang siraan at pagdudahan ang aking mga ginagawa kontra korupsiyon. Nakulong ako nang mahigit pitong taon dahil sa aking mga adbokasiya at hindi ako hihinto dahil lang sa isyung ito. Gayonpaman, hinihiling ko ang inyong patuloy na tiwala na ang pondong inilaan sa aking opisina ay ginagamit sa tama at hindi ibinubulsa,” diin ni Trillanes.

HATAW News Team

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *