Sunday , December 22 2024

Agaw-cellphone target sa NAIA

PINALAKAS ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang puwersa ng seguridad sa labas ng mga terminal ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) upang biguin ang masasamang elemento na gumagala sa paligid ng paliparan.

Inihalimbawa rito ang naganap na pang-aagaw ng cellphone sa isang intern ng China Southern Airlines nitong Agosto 7, dakong 2:37 a.m. habang ang biktima ay papasok sa Terminal 1.

Ayon kay David de Castro, dinoble ang monitoring sa Terminal 1 at sa lugar kung saan naging biktima ng agaw-cellphone si Yshkael Cherub Co.

Batay sa report, kakukuha pa lamang ni Co ng kanyang on-duty ID sa pass control office at habang paakyat siya sa hagdan nang biglang may humarang na lalaki saka inagaw ang kanyang iPhone 5c mobile phone.

Tumakbo ang suspek patungong International Cargo Terminal road saka naglaho.

Sinubukang habulin ng isang security guard ang suspek ngunit hindi na nakita.

Sa text message ni De Castro, kasalukuyang iniimbestigahan ng pamunuan ang insidente.

Pinahigpit ang pagbabantay ng airport police ang paligid ng NAIA terminals upang hindi na maulit ang cellphone snatching sa lugar.

About JSY

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *