Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Japanese national kinidnap

PERSONAL na dumulog sa Manila Police District-General Assignment and Investigation Section (MPD-GAIS) ang isang 46-anyos Japanese national makaraan makidnap ng hindi nakikilalang mga suspek sa Roxas Blvd., Malate, Maynila nitong Lunes, Agosto 10.

Kinilala ang biktimang si Hideaki Okozaki, may asawa, negosyante, nakatira sa Robinsons Tower 1, Room 11-H, Pedro Gil St., Ermita, Maynila.

Sa imbestigasyon ni PO2 Randolf Pellesco, dumating si Okozaki sa GAIS kahapon kasama ang kaibigan niyang kapwa Japanese national na si Osema Ikeda, at isang nagngangalang Jerry Sucna-an, taxi driver ng Venzon Taxi Company, residente ng 38 Riverside, MIA Rd., Tambo, Parañaque City, upang i-report ang insidente.

Ayon sa salaysay ng biktima, siya sa isang taxi patungo sa isa pa niyang kaibigang kapwa Japanese. Habang tinatahak ang kahabaan ng Roxas Boulevard ay huminto ang taxi sa tapat ng Grand Boulvard Hotel at iniwan ng driver ang taxi.

Pagkaraan ay tinutukan siya ng baril at piniringan ang kanyang mga mata. Iginapos din aniya ang kanyang mga kamay at binalaan na siya’y papatayin kapag pumalag.

Kahapon ng umaga ay itinapon aniya siya sa Quirino Avenue, Parañaque City saka tumakas ang mga suspek.

Leonard Basilio, may kasamang ulat nina Rhea Fe Pasumbal, Anne  Marielle   Eugenio, Beatriz Pereña, At Angelica Ballesteros

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Leonard Basilio

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …