Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kevin Poblacion, type sina Kim at Liza

080815kevin poblacion kim liza

00 SHOWBIZ ms mBAGAMAT maganda ang kalagayan sa Canada, mas pinili ni Kevin Poblacion, 19, ang magbalik-‘Pinas para tuparin ang matagal nang pangarap, ang maging artista.

Alam ni Kevin na hindi ganoon kadali para maka-penetrate sa showbiz pero nais pa rin niyang subukan ang kanyang kapalaran kaya naman nagtitiyaga siyang sumailalim sa acting workshop ng ABS-CBN para lalong mapalawig ang kaalaman sa pag-arte. Nag-aaral din siya ng Tagalog bagamat nakaiintindi naman siya. Alam kasi ni Kevin na dapat ay mawala ang twang sa pagsasalita niya ng ating lengguwahe.

Hindi pa matatas sa pananagalog ang may dugong Ilonggong si Kevin pero Tagalog na ang sinisikap niyang gamiting lengguwahe.

Actually, iniwan ni Kevin ang trabaho niya sa Canada bilang cashier sa A&W fastfood para mag-artista na sinusuportahan naman ng kanyang mga magulang.

Bukod sa workshop, nag-VTR din si Kevin para sa mga commercial.

Pangarap ni Kevin na makatrabaho sina Marian Rivera, Piolo Pascual, at Kim Chiu. Nasa pangangalaga siya ni Boy Palma, ang manager ni Nora Aunor.

Samantala, malakas naman ang dating kay Kevin ng mga babaeng tsinita kaya ganoon na lamang ang paghanga niya kay Kim. Hindi naman siya nagagandahan kay Julia Barretto nang maitanong ito sa kanya. Bagkus, ka-level daw ng ganda ni Kim para sa kanya si Liza Soberano.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …