Friday , July 25 2025

71-anyos food concessionaire utas sa ambush

0810 FRONTPATAY ang isang 71-anyos biyudang food concessionaire nang barilin sa ulo nang dalawang beses ng isang hinihinalang hired killer habang sumasakay sa kanyang kotse sa harap ng Our Lady of Remedies Church sa Malate, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Binawian ng buhay habang dinadala sa Philippine General Hospital ang biktimang si Nora Chuanico Eubanas, residente sa Taft Avenue, Malate, Maynila at may-ari ng Race Foods Co., Inc.

Sa imbestigasyon ni SPO2 Jonathan Bautista, imbestigador ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang insidente dakong 6:45 p.m. sa harapan ng Our Lady of Remedies Church sa M.H. Del Pilar St.

Sugatan din sa insidente ang apo ng biktima na si Mikhael Eubanas, 22, dahil sa nabasag na salamin ng kotse na tinamaan ng bala.

“Medyo, malalim ito, ayaw makipag-cooperate ‘yung mga anak ng biktima, although parang me alam sila na posibleng motibo kung bakit pinaslang ‘yung nanay nila, ang sabi ng anak na doktor kapag nailibing na raw ‘yung kanilang nanay ay magsasalita siya,” ayon kay SPO2 Bautista.

Nabatid  na kasama ng biktima ang kanyang hipag na si Adella Chuanico, at ang apong si Mikhael ang nagmamaneho ng puting Ford Lynxx (XDN-719) nang maganap ang insidente.

Hinala ng pulisya, may  kaugnayan sa negosyo ang motibo sa pagpaslang sa biktima.

Samantala, nabatid ng HATAW na ang biktima at ang kanilang kompanya ay canteen concessionaire sa Texas Instruments sa TI Compound, Loakan Road, Baguio City.

Ilang taon na ang nakararaan, ang kompanya ay naharap sa labor case dahil sa pagtatangkang magtanggal ng ilang empleyado sa kanilang kompanya.

Leonard Basilio at Rhea Fe Pasumbal

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Leonard Basilio

Check Also

Nelson Santos Rebecca Madeja-Velásquez PAPI

Nelson S. Santos Itinalagang Chairman at Director for Media Affairs ng PAPI

MAYNILA — Ipinagmamalaki ng Publishers Association of the Philippines, Inc. (PAPI) ang opisyal na pagtatalaga …

Bulacan PDRRMO NDRRMC

13 bayan, lungsod sa Bulacan lubog sa tubig baha, Tulay sa San Miguel-DRT bumigay

MARAMING lugar sa Bulacan ang nananatiling lubog sa tubig-baha hanggang nitong Martes, 22 Hulyo, habang …

Couple Arrest Hand Cuffed Posas

Mag-dyowang tulak tiklo sa ‘obats’

ARESTADO ang dalawang indibidwal na pinaniniwalaang tulak ng ilegal na droga sa ikinasang buybust operation …

BingoPlus Why Filipinos keep smiling, even when it hurts

Why Filipinos keep smiling, even when it hurts

LIFE is expensive, but joy doesn’t have to be. In this time of soaring prices, …

072225 Hataw Frontpage

Misis ni Speaker Martin Romualdez
4th TERM NI YEDDA SA KAMARA ISANG MOCKERY NG ELECTORAL PROCESS – ATTY. MACALINTAL

HATAW News Team MAGKAKAROON ng “mockery” sa electoral process ng bansa kung hindi kukuwestiyonin sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *