Friday , November 15 2024

Taxi driver na pinatay ng holdaper natagpuan sa GPS (Mukha binalot sa packaging tape)

 ISANG hinoldap at pinatay na 67-anyos taxi driver ang natagpuan ng kanyang karelyebo sa pamamagitan ng electronic global positioning system (GPS) sa Malate, Maynila,  kahapon  ng umaga.

Sa imbestigasyon ni SPO3 Milbert Balinggan, ng MPD Homicide Section, dakong 6:30 a.m. nang matagpuang walang buhay sa loob ng ipinapasadang KEN taxi (UYE 361) ang biktimang si Arturo Amascual, 67, ng 1855 Oro-B, Sta. Ana, Manila.

Ayon sa imbestigador, may tali sa bibig, nakabalot ng packing tape ang mukha, nakagapos ang mga kamay at paa ng biktima sa likod ng driver’s seat.

Salaysay ni Francisco Suzora, 64, karelyebo ng biktima, dakong 4 a.m. na ay hindi pa bumabalik sa kanilang garahe sa Makati City si Amascual.

Aniya, 24-oras ang kanilang palitan ng biktima kaya pagdating ng 4 a.m. ay nasa kanilang garahe na siya at naghihintay.

Dahil tanghali na, itsinek nila sa GPS device kung nasaan ang unit, natunton nila ang taxi sa kanto ng San Pascual St., at Quirino Avenue ngunit na ang biktima sa loob ng nasabing sasakyan.

Samantala, nabatid sa footage ng closed circuit television camera (CCTV) sa lugar, tatlong lalaki ang nakitang lumabas mula sa taxi ng biktima.

Pinag-aaralan na ng pulisya ang footage ng CCTV upang makabuo ng lead kaugnay sa insidente.

Leonard Basilio, may kasamang ulat ni Angelica Ballesteros

About Leonard Basilio

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *