Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nagwawalang adik todas sa sakal ni kuya

NAMATAY ang isang 33-anyos lalaki na pinaniniwalaang nasakal ng kanyang nakatatandang kapatid na lalaki habang inaawat sa kanyang pagwawala sa Pandacan, Maynila, kamakalawa.

Hindi na umabot nang buhay sa Ospital ng Maynila ang biktimang si John Paul Tamayo, 33, jobless, residente sa 2630 Road 1, Barrio Obrero, Pandacan.

Habang arestado ang suspek na si Michael Tamayo, 35, nagtatrabaho bilang administrative assistant sa St. Luke’s Medical Center, residente sa Sta. Maria St., Pandacan.

Sa imbestigasyon ni PO3 Michael Maraggun ng Manila Police District Homicide Section, dakong 11:45 a.m. nang mangyari ang insidente.

Sinabi ng saksing si Richmond Kenneth Cordoviz, 26, kagawad ng Brgy. 837, Zone 91, District VI, ipinatawag siya ng ina ng suspek at biktima dahil gumagawa ng kaguluhan si John Paul.

Nang puntahan ang bahay ng magkapatid, nasaksihan ni Cordoviz na sinasakal ng suspek ang kanyang kapatid at humihingi ng straw na ipangsasakal niya sa biktima.

Mabilis na humingi ng tulong si Cordoviz sa pulisya ngunit nang balikan nila ang biktima ay wala nang malay.

Isinugod nila ang biktima sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival.

Leonard Basilio may kasamang ulat nina Beatriz Pereña, Rhea Fe Pasumbal, Anne Murielle Eugenio at Angelica Ballesteros

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Leonard Basilio

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …