Friday , August 15 2025

Pagpapalaya sa 22 illegal workers ipinabubusisi

PALAISIPAN sa Bureau of Immigration (BI) kung saan napunta ang 22 foreign nationals na kasama sa nahuli sa raid sa Pasay City noong nakaraang linggo.

Hulyo 21, sinalakay ng BI ang isang tanggapan at naaresto ang 169 banyaga, karamiha’y Chinese nationals, nagtatrabaho bilang call center agents at online gambling operators.

Labing-apat ang nakapagpakita ng tamang visa at working permit kaya pinakawalan.

Ngunit may isang biglang nawala habang 21 ang sinadyang palayain makaraan magpakita ng Cagayan Economic Zone Authority (CEZA) special visas.

Ayon kay Atty. Elaine Tan, tagapagsalita ng BI, hindi dapat pinawalan ang mga dayuhan dahil ang CEZA ay hindi awtomatikong patunay na walang paglabag sa immigration laws ang mga banyaga.

Dapat aniya ay bineripika muna ng raiding team ang kanilang dokumento.

Sa huli, 155 lang ang tuluyang naaresto at nasampahan ng reklamo para i-deport.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About jsy publishing

Check Also

Maria Catalina Cabral Manuel Bonoan

Usec Cabral, papalit kay DPWH Sec. Bonoan?

MAY napili nang bagong kalihim ng Department of Public Works and Highway (DPWH) si Pangulong …

Comelec Elections

Election laws nilabag
2 tauhan ni  Lino Cayatano kinasuhan sa Comelec

MATAPOS  matalo sa laban para sa congressional seat sa Unang Distrito ng Taguig, dalawang malalapit …

NBI

P11-M pekeng produkto kinompiska ng NBI

UMABOT sa P11 milyong halaga ng mga pekeng produkto ang nasamsam ng National Bureau of …

Nicolas Torre III

Vloggers/content creators, binalaan ni Torre vs fake news, imbentong senaryo

BINALAAN ng Philippine National Police (PNP) ang mga vlogger at content creator na huwag magpakalat …

081325 Hataw Frontpage

3 grade 7 student nabagsakan ng debris, kritikal

ni ALMAR DANGUILAN MASUSING inoobserbahan sa Capitol Medical Center ang tatlong Grade 7 students kabilang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *